What's Hot

StarStruck look back: Dion Ignacio

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 8, 2020 2:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Celebrity breakups that shocked the nation in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News



Join Dion Ignacio as he remembers moments from 'StarStruck', and gives advice for the new batch of hopefuls.
Mark Herras, Rainier Castillo, Dion Ignacio—they were the last three guys sa dulo ng first 'StarStruck' competition. And while Mark and Rainier's careers quickly took off after the competition, Dion's career chose to make its ascent slow and steady. Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. stars"Dati mahiyain ako e." Sino ang mag-aakala na mahiyain pala si Dion Ignacio? Nang makausap ng iGMA si Dion about his StarStruck days, ang unang binitawan na salita ng binata ay ang fact na mahiyain daw siya. Dati. "Basta pag sumali ka [ng StarStruck], 'yung mga nakatago mong talent, 'yung mga skills mo, mai-improve ‘yan e. Hahasain ka nila." Kaya naman almost six years later, malaki na ang pinagbago ni Dion. Hindi na siya mahiyain—kapag nasa harap ng camera. Kuwento pa niya, during his time sa reality artista search, kung saan-saang shows sila ipinasok ng GMA-7, "so kailangan mong pag-aralan, kailangan mong kilalanin ang showbiz. ‘Yun 'yung mga experiences ko." At ito, according to him, ang talagang humasa sa kanyang pagiging artista. Para kay Dion kasi, StarStruck was just the beginning. Memory lane Six years ago, may 14 teenagers na pumasok sa isang ground-breaking reality competition without knowing kung saan sila dadalhin nito. "Bata pa kami noon," alala ni Dion. He adds with a laugh, "tapos 'yung mga tasks namin doon—[parang] pinaglalaruan kami." Dahil nga sila ang pioneer batch ng StarStruck, ibang level of intensity ang nakita sa grupo nina Dion. "Masaya naman 'yung pagiging part ko ng [show]," Dion tells us. "'yung pupunta ka sa ibang lugar, tapos doon kayo magshu-shooting. "'yung bonding at saka 'yung tanggalan." Being of the first batch, walang nakaaalam sa grupo nina Dion that contracts would be waiting for all of them sa pagtatapos ng StarStruck. Para sa kanila, every moment together could be their last—kaya todo ang bonding nila. "Kapag close na close na kayo, para na kayong magkakapatid," Dion tells us. Kaya naman tuwing may tanggalan na nagaganap, Dion admits "hindi ko mapigilan umiyak. Pag tanggalan, isa sa mga kapatid mo ang tatanggalin e." Kuwento pa ni Dion, "noon si Rainier [Castillo] 'yung kadikit ko. Siya 'yung parang best friend ko doon e. So every time na mapupunta siya sa Bottom 3, natatakot ako." He adds that he would pray every time, and wish na siya na lang sana ang matanggal at hindi si Rainier. "Ganoon 'yung kapatiran [namin] noon e." The two of them eventually lasted until the last six, kung saan sila nina Rainier at Mark Herras ang mga huling lalaki sa competition. "Ako 'yung huling natanggal," Dion reminds us. "Memorable din y’un—nung natanggal kami ni Nadine? Pero, nung araw na ‘yun, parang in-expect na namin e."
Advice from a StarStruck graduate "Sinasabi [sa akin], buti daw kahit hindi ako winner, may trabaho daw ako." Ayon kay Dion, he is very happy na nakikitaan siya ng potential ng network, at lagi siyang pinagkakatiwalaan to do well in a project. Kaya naman daw on his part, he is always striving to be better. "Pinag-aaralan ko 'yung skills ko, kung ano man [ang hinahanap nila]. Tapos, mas sinisipagan ko pa." Kaya naman kahit na hindi nanalo si Dion, he is still one of the most active StarStruck graduates ngayon. At dahil diyan, iGMA asked Dion kung ano ba ang maipapayo niya para sa mga magiging bagong contestants sa coming StarStruck V: "Galingan nila sa tests." Para kay Dion, importanteng factor ang paggawa ng mahusay sa kung ano ang ipagawa ng StarStruck team sa mga hopefuls. "Sa mga tasks na gagawin nila, seryosohin nila." Aminado si Dion na important ang looks at star potential sa pagpili ng winner, pero in the long run, mas importante ang mga natututo. "Pag-aralan mo kung saan ka mahina—malalaman mo ‘yan sa experience mo." He adds na dapat hindi mahiya ang mga contestants to try something they've never tried before. "[Gaya ko], ako mahiyain ako, pero natuto ako ng acting kahit papaano. "Hindi ko sinasabing magaling ako, pero natutunan ko na." Para kay Dion, isang malaking hadlang ang hiya sa competition. "Kapag nahiya ka, 'yung performance na gagawin mo, mababawasan." He says that the contestants should just keep trying, "tapos 'yung mga talent—lalabas na lang ‘yan." At ang huling advice ni Dion? "Kailangan marunong kang makisama—'yung pakikitungo sa tao, sa mga staff." StarStruck V replaces Celebrity Duets in its timeslot beginning November 21, and airs Sundays after Kap's Amazing Stories. Or get up to date with what's happening with the new batch of hopefuls through the daily StarStruck Update beginning November 16. Wag nang magpahuli sa mga balita sa buhay ni Dion! Just text DION (space) ON to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.) Pag-usapan si Dion at ang StarStruck sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!