Article Inside Page
Showbiz News
For her first kontrabida role, Ms. Regine Velasquez, proudly talks about her preparations as Elektra, isa mga bagong hahamon sa Pinay superhero.
Matapos labanan ni Darna ang mga halimaw sa book one, pinakilala na ang kanyang mga bagong kontrabida sa ikalawang yugto ng series. At isa na dito si Elektra, isang makapangyarihang alien from another planet. Kilalanin kung sino nga ba itong panibagong humahamon sa super hero ng bayan. Text by Loretta G. Ramirez. Photo from Chika Minute.
Sinimulan ng Babaeng Manananggal at ni Vladimir ang pananalasa sa bayan ng San Martin. Sinundan pa ni Demonyita na kasalukuyang humahamon kay Darna. Pero paparating na ang isa sa mga pinaka malakas at kakaibang kalaban na humahamon sa super hero ng bayan—si Elektra, Reyna ng Planet Venusa.

"I am playing the role of Elektra, meron pala talagang character na ganun," ang masayang kwento ni Ms. Regine Velasquez sa iGMA nang makausap namin siya during her pictorial para sa
Darna. "Its an old character and I am glad that they have asked me to play that character."
Sino nga ba si Elektra?
"I'm from another planet. I am here because I want to save my planet so nag-cross path kami ni Darna. Actually I am trying to look for a solution here [to save my planet]," patuloy pa ng Asia's Songbird.
Although aminadong kakaiba itong role na ginagampanan niya from her previous roles, sinabi ni Ms.Regine na she really wanted to play this role.
"Nung inoffer sa akin, sabi ko it would be interesting, kasi gusto kong lumabas na kontrabida. Hindi ko pa kasi natra-try eh. Kasi ever since lagi namang mabait ang character ko. Lagi naman akong bida, so I thought it would be interesting to play a different character this time."
But she did have some reservations though.
"Noong nakita ko 'yung costume ko (laughs). Buti na lang pumayat ako kasi there was a time tumaba ako kasi I was having migraines. The medicine that I was taking, may steroids, so I was getting fat for a while, but now I am out of it na, so thank God. Actually hindi kaagad ako sumagot kasi pinagisipan ko muna kung papayat ba ako in time for this."
Idinagdag pa niya na may request siya sa production ng show before she accepted the role.
"Tinanong ko lang kung I am going to be really, really bad, because I don't want to be that bad. Sabi ko 'Can I not hurt people?' What I wanted was, kung kalaban ko si Darna, since siya yung may power, siya 'yung kakalabanin ko. But 'yung mga taong inosente, I shouldn't touch them. And agree naman sila and Ma'am Wilma [Galvante, GMA SVP for Entertainment] wants me to be funny so my character is going to be a little funny. Para siyang innocent eh, kasi she is not naman from Earth, so siyempre there are things na she doesn't know so siguro dun manggaling 'yung funny part."
As for her powers, Ms. Regine kept her beautiful lips mum para may konting suspense pag pinanood natin ang kanyang pagdating sa
Darna. But she did divulge na gagamitin niya ang kanyang boses as one of her powers.
"It was mentioned to me that they are going to use my voice. Parang my voice will have a power." Pero kahit boses lang ang maaring powers ni Elektra, inamin ni Ms. Regine na she has prepared for the action scenes kung meron man.
"Actually alam mo nag prepare ako sa
Totoy Bato, kasi nag boxing ako doon pero they didn't naman use that. So ngayon tinuloy ko na lang, so kahit papaano may stand ako. I know kung paano pumorma, ang importante kasi 'yung porma eh. Dapat marunong kang pumorma, if not, then you'd look awkward. Medyo lanky pa naman ako," ang natatawang pag-amin sa amin ni Ms. Regine.
Pero may action scenes man o wala, siguradong dapat abangan ang unang pagganap ng Asia's Songbird as a kontrabida dito sa
Darna.
Kaya subaybayan ang ating paboritong super hero as she faces Elektra this January.
Darna airs weeknights sa GMA Telebabad.
Pag-usapan si Ms. Regine Velasquez sa kanyang pagganap as Elektra sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!