What's Hot

Fans ni Piero Vergara, dinamdam ang pagkakatanggal ng idol nila sa StarStruck V

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 3, 2020 4:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa | Balitang Bisdak
Jeepney driver, patay matapos barilin ng salaring nagkunwaring pasahero sa Antipolo City
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News



Pati pala ang mga fans ni Piero ay nag-react negatively sa maagang pagkakaalis ng kanilang idol sa competition.
Nauna nang naisulat dito sa Tweetbiz website ang tungkol sa naganap na double elimination sa StarStruck V last Sunday, January 10, kung saan natanggal na nga sa kompetisyon sina Piero Vergara at Princess Snell. Halatang dinamdam ni Piero ang pagkaka-eliminate sa kanya dahil hindi nga niya napigilang mapaiyak at maging emosyonal nang lumabas siya ng StarStruck stage. Pati pala ang mga fans ni Piero ay nag-react negatively sa maagang pagkakaalis ng kanilang idol sa Starstruck V. Balita ngang pati ang StarStruck council members na sina Lolit Solis, Direk Floy Quintos at Iza Calzado ay nakatanggap ng pambabatikos mula sa mga fans. On her Twitter account, Iza explained her side. In a series of Tweets ipinaliwanag ni Iza na ang malaking porsiyento ng pagkakatanggal ni Piero ay dahil sa Factor 3 o ang kakayahan ng StarStruck Survivors na i-vote out ang co-survivor nila. Gustong linawin ni Iza na ang council’s decision ay 20% lamang ng total score. Ang 20% ay galing sa resulta ng Factor 3 at 60% naman ay galing sa viewers’ text votes. In fairness kay Iza, sinabi naman niya na malaki ang potential ni Piero bilang upcoming young celebrity. Kaya posible pa ring maging artista si Piero kahit nawalan na ito ng chance para hiranging StarStruck V Ultimate Male Survivor. -- Tweetbiz Tweetbiz airs from Monday to Friday, 7 p.m. on Q Channel 11.