What's Hot

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado lay down vacation plan for Holy Week

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 3, 2020 12:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa | Balitang Bisdak
Jeepney driver, patay matapos barilin ng salaring nagkunwaring pasahero sa Antipolo City
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News



May plano na sina Dennis at Jennylyn sa mahabang bakasyon nila sa darating na Holy Week. Sino ang kanilang makakasama sa kanilang bakasyon?
May plano na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa mahabang bakasyon nila sa darating na Holy Week. Bukod dito, inihayag ng dalawa kung sino ang kanilang makakasama sa kanilang bakasyon. Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi nito na magiliw na sinagot nina Dennis at Jennylyn ang kanilang mga fans sa live chat na ginawa ng iGMA.TV. Karamihan umano sa mga itinanong sa dalawa ay tungkol sa kanilang tambalan sa soap na Gumapang Ka Sa Lusak, lalo na sa kanilang mga love scene. stars"Si Jen nakatrabaho ko na ilang beses na before kami magsama ulit dito, kaya sanay na, sanay na tayo d’yan…TV lang ‘to ha baka ano," natatawang pahayag ng aktor sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Sagot naman ni Jen: “Magkaibigan kami ni Dennis tsaka hindi kami nagkakailangan (sa love scene)." Kapwa naman naniniwala ang dalawa na hindi na lalampas sa mga karakter nila sa Gumapang… ang kanilang relasyon kahit pareho pa silang single. Sa ngayon, nakatuon daw ang kanilang atensiyon sa kanilang trabaho at kani-kanilang anak. Katunayan, nagpapalitan pa raw sila ng parenting tips. At ngayong Holy Week, wala raw silang ibang plano kundi magbakasyon kasama ang kanilang mga baby. Balak daw ni Jennylyn na magtungo sa Cebu, habang si Dennis: “ Baka mag-swimming lang, mahilig kasing mag-swimming ang bata, sobrang hilig mag-swimming." --GMANews.tv Pag-usapan sina Jennylyn at Dennis, at ang kanilang afternoon show na Gumapang Ka sa Lusak sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here! For more updates about these two Kapuso stars, subscribe to their Fanatxt service. Just text DENNIS(space)ON or JENNYLYN(space)ON and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive to the Philippines only.)