Article Inside Page
Showbiz News
Actor Ian Veneracion completes the love triangle sa
Trudis Liit as he plays Ronnie, ang nakatatandang kapatid ni Migs na nagkagusto rin kay Ched.
Actor Ian Veneracion completes the love triangle sa Trudis Liit as he plays Ronnie, ang nakatatandang kapatid ni Migs na nagkagusto rin kay Ched. Text by Ayessa De La Pena. Photo by Mitch Mauricio.

"Malapit na ako sa ambisyon kong maging D.O.M," pabirong sagot ni Ian Veneracion nang amin siyang tanungin kung kumustang makatrabaho ang mga mas batang actors na sina Maxene Magalona at Mike Tan bilang mga ka-love triangle niya sa
Mars Ravelo's Trudis Liit.
Dagdag pa niya, "Nagtataka nga ako kung bakit habang tumatanda ako, pabata nang pabata iyong ka-loveteam ko. Okay lang, iyong joke nga namin dito sa set lagi ako iyong DOM. Pabata nang pabata iyong partner ko." Binibiro nga siya ni Maxene during the interview na baka sa susunod ay si Jillian Ward na ang kanyang magiging ka-loveteam."
Naitanong na rin tuloy namin kung kumusta ang kanyang pagtatrabaho with child wonder Jillian para sa show na ito. "Okay naman. Mabilis mag-adjust si Jillian. Noong una, compared sa first take, second take, third take, ang bilis niyang mahuli iyong requirements ng trabaho. Mabilis niyang nakuha iyong flow noong taping. Ang bilis niyang nahuli," pagkukuwento niya.
Ang isa pang bagay na lalo niyang ikinamangha ay kung gaano kabilis ma-retain sa utak ni Jillian ang kanyang lines gayong ito ay ipini-feed pa lamang sa bata. "Considering na hindi pa siya [Jillian Ward] nagbabasa, pini-feed lang nila [ang script] sa kanya, ang galing mag-retain ng utak niya," ang manghang kuwento ng aktor.
Kaya naman nanghihinayang at nalulungkot rin si Ian dahil patapos na ang show at ang kanilang tapings dahil isang masayang set nga ang
Trudis Liit. "Masaya iyong set namin kasi nga kaibigan kaming lahat – iyong bumubuo ng staff, lahat. Kaya malungkot lang kasi patapos na kami," pahayag ng binata.
Dito sa afternoon soap, grey character ang ginagampanan ni Ian. Maging siya nga ay nasosorpresa sa mga revelations sa kanyang character. "Shady, shady character," he says, "Pero hindi naman talaga ako [masama]. Hindi namin talaga alam kung saan papunta iyong character. Just like us, hindi pa nila niri-reveal sa amin iyong mga darating na scenes. Entirely, it’s a surprise. Pati sa amin it’s a surprise. Ibang-iba talaga, so exciting."
Pagkatapos ng
Trudis Liit ay may aabangan rin ang kanyang mga supporters na bagong show niya dito sa Kapuso Network. Ngunit hindi pa niya alam kung puwede na itong i-reveal kaya hindi pa niya naibigay ang kumpletong detalye ng bago niyang project. "Merong sinisimulan pero hindi ko lang alam kung puwede ko nang sabihin. Hindi [drama]," pahayag ng binata.
Sa ngayon ay thankful si Ian sa project na ibinigay sa kanya, ang
Trudis Liit, at sa suportang ibinigay sa kanya ng mga tao. "Thank you sa lahat ng sumusuporta sa GMA," pagtatapos ng binata, "Sana tuloy-tuloy lang [ang suporta ninyo] kasi pinaghihirapan namin iyong ginagawa namin para mapaganda iyong mga shows dito sa GMA. Enjoy kami sa paggawa, so salamat sa suporta ninyo. Sana tuloy-tuloy lang."
Panoorin si Ian Veneracion as he plays Ronnie from Mondays to Fridays sa
Mars Ravelo's Trudis Liit!
Pag-usapan si Ian sa mas pinagandang
iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here.