
Isang fan ni Barbie Forteza na naka-base na ngayon sa U.S. ang gumawa ng video reaction sa trailer ng This Time I'll Be Sweeter.
Isa sa mga unang reaction ng fan na nagngangalang Valerie ay "ang guwapo ni Ken" at ang "puti ni Barbie." Nasabi rin niyang tiyak na makaka-relate sa istorya ang mga hopeless romantic, lalo na ang mga umaasa katulad ng karakter ni Barbie na si Erika.
Pinuri rin niya ang magaling na pag-portray ng dalawa sa kanilang mga karakter, at ang nakakadalang acting nila. Mangiyakngiyak din si Valerie habang pinapanood ang trailer, aniya kung ipapalabas lang daw ito sa U.S. ay agad agad siyang manonood.
Panoorin ang full video dito:
Video courtesy of Valerie React
Ipapalabas na ang This Time I'll Be Sweeter ngayong November 8 na!