GMA Logo Steve Harvey
What's on TV

U.S. host na si Steve Harvey, nagbigay ng pagbati sa tagumpay ng 'Family Feud' Philippines

By Jimboy Napoles
Published May 20, 2022 8:52 PM PHT
Updated May 21, 2022 6:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Davao City Coastal Road Segment B nga lakip ang Davao River Bucana Bridge, abli na | One Mindanao
PBB Collab 2.0: Housemates take on caroling challenge for 8th weekly task
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Steve Harvey


Masaya si Kapuso Dingdong Dantes sa ipinadalang pagbati ng kapwa game master na si Steve Harvey.

Umabot na sa Amerika ang tagumpay ng pinag-uusapang game show ngayon sa Pilipinas --- ang Family Feud Philippines kasama ang game master na si Dingdong Dantes.

Dahil dito, nagpaabot ng kanyang suporta at pagbati ang U.S. host ng 'Family Feud' na si Steve Harvey dahil sa mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa nasabing game show.

Aniya, "Mabuhay Philippines! This is Steve Harvey, look, I want to congratulate Family Feud Philippines on GMA Network.

"Family Feud is now the most-watched game show in the entire Philippines, wow! you guys are unbelievable. Keep it up, Kapuso!"

Sa "Chika Minute" report ng 24 Oras, ipinakitang nasorpresa si Kapuso host Dingdong sa ipinadalang mensahe ni Steve.

"Hanep! Pareng Steve, maraming salamat sa'yo!," ani Dingdong.

Masaya rin ang Kapuso host sa tuloy-tuloy na pagtaas ng ratings ng kanyang programa.

Aniya, "Wow! Sobrang kakaiba 'yung feeling kulang na lang magsisitalon kami dito sa set noong nakita namin yung ratings."

Patuloy na tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:45 p.m. sa GMA o bisitahin ang Family Feud show page sa GMA Network website upang mapanood ang live streaming.

Samantala, silipin naman ang ilan sa achievements ni Dingdong sa show business sa gallery na ito: