
Dumipensa ang kapatid ni Imelda na si Val Bryner sa kanyang Facebook account pagkatapos maglabas ang designer na si Leo Almodal ng kanyang statement.
Hindi pa rin natatapos ang issue na kinasasangkutan ng dating Miss Philippines Earth na si Imelda Schweighart mula sa ginanap na beauty pageant na Miss Earth 2016.
Dumipensa ang kapatid ni Imelda na si Val Bryner sa kanyang Facebook account pagkatapos maglabas ang designer na si Leo Almodal ng kanyang statement tungkol sa yellow gown na naging sanhi umano ng alitan nina Miss Earth 2016 Katherine Espin at Imelda.
Aniya, "People are underestimating my sister's kindness. I love you ate. i hope you won't get mad about this but what's happening is just too much."
Kasama ng kanyang post ay mga screen capture mula sa Facebook chat umano nina Imelda at Leo.
Nagsimula ito nang tanungin ni Leo si Imelda kung ano'ng style ng earrings ang gusto niyang isuot. Tila hindi naman nagustuhan ni Leo ang naging sagot ni Imelda na "maiksi lang po mommy."
Sa huli humingi naman ng tawad si Imelda. Aniya, "wag ka na high blood sa akin pls.. huwag naman.. Leo naman.. alam ko pagod ka palagi, pasensya na. late reply nag deactivate din kasi ako."
Wala ng naging kasunod ang isinapublikong post ni Val kaya naman walang makapagsabi kung ano ang kinahinatnan ng pag-uusap nina Imelda at Leo.
MORE ON IMELDA SCHWEIGHART:
WATCH: Miss Earth 2016 Katherine Espin, nag-react patungkol sa akusayson ni Imelda Schweighart na retokada siya