
Pagkatapos ng ilang buwan sa lockdown, nagbabalik taping si Kapuso actress and comedienne Valeen Montenegro sa set para gumanap sa latest episode ng Dear Uge Presents.
Aniya, ito ang unang pagkakataon na na-experience niyang magpa-swab kaya naman alam niyang safe siya sa set habang nagte-taping.
“Alam n'yo ba guys, ito ang aking very first taping na may pa-swab and everything.
“I felt naman na safe ang lahat kasi lahat naka-mask, kahit kaming mga artista we're supposed to wear a mask. So, nandun naman talaga 'yung safety.
“Parang ramdam mo talaga na lahat nag-iingat. So, I guess, ito talaga ang ating new normal, but sana bumalik sa normal na lahat.”
Sa darating na Linggo, gaganap si Valeen bilang si Volet, ang business partner ng karakter ni Eugene Domingo sa weekly series.
“Ako dito si Volet, ako ang trusted confidante ni Ate Molly [Eugene Domingo]. Parang ako 'yung sous chef niya at lagi n'yang kausap. 'Yun lang ang makukuwento ko.
“Pero doon sa buong istorya, [natutunan ko na] don't take anything for granted kahit 'yung simpleng panlasa lang.'Yung little things na ganun, we must not take those for granted kasi 'di natin alam kung kailan mawawala ito sa atin.”
Panoorin ang kanyang buong interview:
Tingnan ang magaganap na kuwentuwaan sa Dear Uge Presents ngayong Linggo na pinamagatang “Jolly Molly” sa gallery na ito: