
Para sa all-out performer na si Valeen Montenegro, malaking kasiyahan ang makasama muli ang mga Kapuso stars sa All-Out Sundays.
Sa nakaraang episode ng weekend musical variety show ay nag-guest si Valeen at naka-showdown niya ang bagong Kapuso comedienne na si Pokwang.
"Hello, long time no see, ang tagal ko ng hindi nagagawa ito," bungad ni Valeen sa kaniyang vlog matapos mahigit na limang buwan simula ng huli n'yang vlog na tribue para sa yumaong ama.
"Thank you to all of you who have been waiting for this."
Sa two-day taping ni Valeen ay parehas nagumpisa ang araw niya sa antigen swab testing para maiwasan ang banta ng COVID-19.
"Antigen testing muna before anything para sure raw," saad ni Valeen.
Nakasama ni Valeen ang ilang kapuso stars na sina Barbie Forteza, Kate Valdez, Gabbi Garcia, Edgar Allan Guzman, at si Pekto.
Panoorin ang bonggang showdown ni Pokwang at Valeen Montenegro:
Panoorin ang vlog ni Valeen: