
Isang bagong karakter ang ilang beses nabanggit ngayong linggo sa GMA Telebabad series na Encantadia.
Ito ang pinakamataas na bathalumang si Haliya, na inaasahan ng mga diwata na tutulong sa kanila. Ilang mga pangalan din ang lumutang na hula ng ilang mga netizens kung sino ang gaganap dito.
Sa wakas, nasilayan na si Haliya kagabi, April 12 at ginagampanan siya ni Kapuo funny girl Valeen Montenegro.
Matutulungan ba ni Haliya ang mga diwata sa misyon ng mga ito na sugpuin ang mga Etherian at palayain ang Devas?
Alamin yan sa Encantadia, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
MORE ON ENCANTADIA:
WATCH: Zoren Legaspi, patok sa mga manonood bilang Emre sa 'Encantadia'
WATCH: John Arcilla a.k.a. Hagorn, magbabalik sa 'Encantadia'