
Nang bumisita sina Valeen at Snooky Serna sa cooking show ni Regine Velasquez-Alcasid na Sarap Diva kamakailan, ikinuwento ng sexy comedienne ang kanyang saloobin sa feedback ng viewers.
Isa rin ba kayo sa napapatawa ni Valeen Montenegro sa pagganap niya bilang Piper sa Poor Señorita gabi-gabi?
Nang bumisita sina Valeen at Snooky Serna sa cooking show ni Regine Velasquez-Alcasid na Sarap Diva kamakailan, ikinuwento ng sexy comedienne na natutuwa raw siya sa feedback ng viewers sa kanyang character.
Ani Valeen, "Nakakaaliw 'yung tweets na nababasa namin kasi nga 'pag on air na, nagtu-Tweet sila na 'yan na naman 'yung mag-ina (Piper at Deborah)."
Maraming nagagalingan kay Valeen sa pagpapatawa at kabilang na rito ang co-stars niyang sina Snooky at Regine. Ayon kay Valeen, nagiging effective raw siya dahil sa galing ng mga tao sa paligid niya.
"Maganda rin 'yung script. Actuallly, nasa script lahat 'yan. Tapos si Direk Dom (Dominic Zapata), nakakatawa rin. Marami ring idinadaragdag si Direk," paliwanag niya.
Dahil medyo may pagka-slow si Piper, nababahala raw si Valeen na baka mai-uwi niya sa bahay ang role. "Nakakatakot nga kasi baka minsan hindi ko matanggal 'yung character, [it's] very dangerous," pagtatapos niya.
MORE ON VALEEN MONTENEGRO:
Valeen Montenegro, nag-react sa kanyang nickname na 'Pandesal Girl'
WATCH: 'Work' dance video of Valeen Montenegro, Sheena Halili, and Snooky Serna
WATCH: Regine Velasquez, Valeen Montenegro at Mikael Daez, ipinapauso ang "pack up" dance