
Hindi nalilimutan ni Kapuso actress and comedienne Valeen Montenegro ang skin care habang siya ay buntis.
Bilang bahagi ng pagre-relax at pag-aalaga sa sarili, mahilig pa ring mag-sheet mask si Valeen.
Biro pa niya na may karagdagang step na ngayon ang kanyang skincare routine.
Sa isang post sa Instagram, makikita si Valeen na nagpapahinga habang may sheet mask sa mukha.
Minarapat na rin niyang lagyan ng sheet mask ang kanyang baby bump.
"Skincare these days…," pabirong caption niya.
Abala na si Valeen at non-showbiz husband niyang si Riel Manuel sa paghahanda para sa pagdating ng first baby nila together.
Inaayos na nila ang nursery para sa kanilang baby boy.
Gumawa na rin sila ng magandang alaala sa pregnancy journey ni Valeen sa pamamagitan ng isang maternity shoot.
SILIPIN ANG MATERNITY SHOOT NI VALEEN MONTENEGRO DITO:
Bago dumating ang kanilang unang supling, naglaan sina Valeen at Riel ng panahon sa isa't isa at nag-travel sa Europe para sa isang "babymoon."
Nakatakda namang manganak si Valeen ngayong November.