
Mag-iiba ang buhay ni Valeen Montenegro nang matagpuan siya ng feeling close na si Solenn Heussaff. Ganyan ang takbo ng kuwentuwaan ngayong Linggo, January 8, sa Dear Uge.
Matahimik at masayang namumuhay mag-isa si Jenny (Valeen) nang bigla siyang tawagan ng kanyang kaibigan na si Lily (Solenn). Mabubulabog ang kanyang bahay at buhay dahil hindi lang pala ito feeling close, may pagka-user din siya!
Mapagpasensiyahan kaya ni Jenny si Lily, o friendship over ang kahihinatnan nito?
Huwag palampasin ang kuwentuwaang ito ngayong Linggo, January 8, sa Dear Uge pagkatapos ng Sunday PinaSaya.