What's Hot

Valeen Montenegro, nag-react sa kanyang nickname na 'Pandesal Girl'

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 1, 2020 9:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

BBC seeks to have Trump's $10 billion lawsuit dismissed
Detainees who fled CDO police station recaptured after 36 hours
'Heated Rivalry''s Connor Storrie and Hudson Williams look dapper at Golden Globes debut

Article Inside Page


Showbiz News



Ni-reveal ni Valeen kung paano siya nagkaroon ng killer abs!


Laking gulat ni Kapuso star Valeen Montenegro na kumakalat ang kanyang beach-ready photos sa Internet kung saan binansagan siya bilang “Pandesal Girl.”

IN PHOTOS: Valeen Montenegro, the Pandesal Girl

Hindi rin niya alam kung bakit iyon ang nickname sa kanya ng mga netizens. Kuwento niya sa panayam ni Cata Tibayan sa 24 Oras, “Noong una, akala ko, meron ba akong video or photo na kumakain ng madaming pandesal? So hindi ko siya na-gets [na] my abs pala!”

Ano ang kanyang masasabi sa bagong palayaw niya? “[It’s] funny! That’s a witty approach to it,” sambit ng Sunday PinaSaya host.

Ibinunyag niya rin ang kanyang mga sikreto kung paano makamit ang kanyang toned abs sa kabila ng kanyang bisi na iskedyul, “Any flat surface o kapag naghihintay [at] walang ginagawa sa taping, nagka-crunches ako [at] leg raises.”

Madalas siyang pumunta sa gym para mag-workout at gumising ng umaga para tumakbo ng malayo. Napaka-importante rin para sa aktres na kumain ng mga masustansiyang pagkain para mapanatili ang kanyang fit at sexy body.

 

????????????

A photo posted by Valeen Montenegro (@valeentawak) on


Madalas siyang mag-post sa Instagram ng kanyang workouts araw-araw para maudyok ang kanyang followers, “You have to have your mind set na you really want it, [that] it will happen [so] you’ll do it. Magugulat kayo sa motivation na nanggagaling sa sarili n’yo.”

Ayan mga Kapuso ang mga advice ng inyong Pandesal Girl na puwede ninyong i-apply sa inyong daily routine!

WATCH: Workout routines of the Kapuso stars


Video courtesy of GMA News 

MORE ON VALEEN MONTENEGRO:

Valeen Montenegro, mas pursigido mag-work out ngayong summer

Valeen Montenegro, ready to pose for another sexy magazine cover?