
Bukod sa pagiging comedienne, pinatunayan ni Valeen Montenegro na isa rin siyang certified #AthletangIna!
Ibinahagi ng Kapuso star na si Valeen Montenegro ang isang nakakaaliw na Instagram video, kung saan makikita ang kaniyang kalagayan matapos siyang sumali sa Vida Run to Zero, isang half marathon na ginanap noong Linggo, November 13.
Sa kaniyang post, mapapansin si Valeen na sinusubukang umakyat sa hagdanan habang tumutugtog ang isang linya mula sa isang sikat na kanta ni Ed Sheeran na "Thinking Out Loud."
“My love hate relationship with running,” aniya sa kaniyang caption.
Samantala, kamakailan lang ay sumabak din si Valeen sa Ultra Trifecta Weekend ng Spartan Philippines, na ginanap sa Timberland Heights, Rizal Province, noong November 5 at 6.
Sa isang post, nagpasalamat si Valeen sa lahat ng nagbigay ng lakas at suporta sa kaniya.
“Salamat sa lahat ng sumigaw and nag cheer sakin ng “athletang ina” though out the race, it gets me kilig and energized to finish stronger,” sulat niya.
TINGNAN ANG MGA SEXY BIKINI PHOTOS NI VALEEN MONTENEGRO SA GALLERY NA ITO: