
Hindi pinalagpas nina Chariz Solomon at Lovely Abella na personal na umatted sa kasal ng kanilang kaibigan na si Valeen Montenegro.
Ikinasal ang Love. Die. Repeat. actress sa kaniyang fiancé na si Riel Manuel kahapon, January 12 sa Santuario de San Antonio Parish sa Makati City.
Nagsilbi rin itong reunion nina Valeen, Chariz, at Lovely o kilala rin bilang “ValeenChaGa”, kung saan nabuo ang kanilang pagkakaibigan nang magkatrabaho sila sa longest-running gag show na Bubble Gang.
#ValeenChaGa FITNESS GOALS:
Sa post ni Lovely sa Instagram Story, nagpost pa ito ng groufie photo niya kasama ang mga BFF.
Sa isa pa niyang post, sinabi ni kay Valeen na, “Ga, napakaganda mo!! @valeentawak congratulations.”
Source: lovelyabella_ (IG) & valeentawak (IG)
Bukod kina Chariz at Lovely, spotted din sa wedding ng Manuel couple sina Michael V., Ashley Rivera, at Dasuri Choi.