
Tampok ngayong Sabado sa Wish Ko Lang ang kuwento ng misis na si Susan na sinasaktan at niloloko ng asawa.
Bibigyang-buhay ni Valerie Concepcion ang kuwento ni Susan sa Wish Ko Lang: Jumper.
Kahit na anong pagsisikap ni Susan para makatulong sa pamilya ay hindi ito nakikita ng kanIyang asawang si Leon (Victor Neri). Sa halip ay nagagawa pa siya nitong pagbuhatan ng kamay at sinasabihang losyang.
Ang hindi alam ni Susan ay niloloko na siya ng kanIyang mister at ipinagpalit sa kapitbahay nilang si Queenie (Arny Ross).
Matapos na pagtaksilan ay ilegal pa na kumonekta sa kanilang kuryente ang babae ng kanIyang mister. Kaya naman kahit na anong pagtitipid sa paggamit ng kuryente ay umaabot pa rin sa libong piso ang kanilang binabayaran.
Makakasama rin ni Valerie sa bagong episode sina Kirsten Gonzales (Kitkit), Debraliz (Sheryl), Corazon Filipinas (Setty), Donna Cariaga (Nilda), Alexis Vines (Joven).
Huwag palampasin ang Wish Ko Lang: Jumper ngayong Sabado, April 22, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
MAS KILALANIN SI VALERIE CONCEPCION SA GALLERY NA ITO: