
Aminado si Hating Kapatid star Valerie Concepcion na hindi niya kakayanin ang mawalay sa kaniyang mga anak, kagaya ng nangyari sa mga karakter nina Carmina Villarroel at Cassy Legaspi sa kanilang serye.
Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes (October 23) kasama ang co-star na si Faye Lorenzo, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang pagkakawalay ni Belle (Cassy) kay Roselle (Carmina).
Tanong ng batikang host kay Valerie, “Sa tunay na buhay, how would you handle ang mawalay sa iyong mga anak?”
Sagot ng aktres, “I can't imagine na mawalay sa mga anak ko kasi ngayon pa lang, Tito Boy, college 'yung anak ko, nasa dorm na siya, siyempre nu'ng lumalaki siya, sanay ako na magkasama kami lagi, lagi kaming magka-bonding. So nu'ng humiwalay siya sa akin, parang ang laking adjustment.”
Saad pa ni Valerie, dumating din sa punto na lagi niyang hinahanap ang panganay na anak na si Heather.
“'Nasaan ka? Kailan ka uuwi?' Ta's siya parang 'Ma, nag-aaral ako, 'wag mo 'kong istorbohin,' parang may sarili na siyang life du'n. So parang ako, parang oh my gosh, what more kung mawalay talaga,” kuwento ni Valerie.
Pagpapatuloy pa ng aktres, “I can't imagine, Tito Boy, the feeling na mawawalay ng totoong hiwalay.”
Si Heather ay ang anak ni Valerie sa dating non-showbiz boyfriend na si Jeremy Carag. Ngayon ay kasal na siya sa kaniyang non-showbiz husband na si Francis Sunga na may anak din na babae. October 25, 2023 naman noong ipanganak ni Valerie ang baby boy nila ni Francis
Panoorin ang panayam kina Valerie at Faye rito:
TINGNAN ANG BLENDED FAMILY NINA VALERIE AT FRANCIS SA GALLERY NA ITO: