GMA Logo Valerie Concepcion, Alden Richards, Kathryn Bernardo
source: v_concepcion/IG
What's Hot

Valerie Concepcion, honored and thankful na mapasama sa 'Hello, Love, Again'

By Kristian Eric Javier
Published October 20, 2024 10:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dizon: I have not authenticated the so-called Cabral files
Over 20,000 passengers logged in NegOcc on holiday rush
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Valerie Concepcion, Alden Richards, Kathryn Bernardo


Valerie on doing 'Hello, Love, Again': 'Talagang I was really excited na sabi ko, 'Sige, game on!' Hindi ko alam 'yung character ko. 'Okay, game!'

Honored at thankful ang actress na si Valerie Concepcion na napasama siya sa upcoming movie na 'Hello, Love, Again' na pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Sa naganap na media conference para sa pelikula nitong Huwebes, October 17, tinanong si Valerie kung ano nag naramdaman niya nang matanggap niya ang tawag tungkol sa role niya sa pelikula.

“Ako, siyempre sobrang thankful ako kasi I just gave birth and this is my first project simula nu'ng pinanganak ko 'yung bunso ko. So to get this call na mapapasama 'ko, tapos kasama ako sa Canada for a month, I was like, 'Totoo ba? OMG. Ito na 'yun,'” pag-alala ng aktres.

Aniya, excited rin siyang muling makatrabaho ang direktor ng pelikula na si Direk Cathy Garcia-Sampana. Ito rin umano ang unang pagkakataon na makakatrabaho niya sina Alden at Kathryn.

“Talagang I was really excited na sabi ko, 'Sige, game on! Hindi ko alam 'yung character ko, okay, game,'” sabi ni Valerie.

TINGNAN ANG NAGANAP SA PRESS CONFERENCE NG 'HELLO, LOVE, AGAIN' SA GALLERY NA ITO:

Binalikan rin ni Valerie ang unang eksenang ginawa niya para sa pelikula, at sinabing kabadong-kabado siya noon dahil sinbihan siya ni Direk Cathy na sa kaniya manggagaling ang timing ng eksena.

“Pero 'yun nga, as we get along, nu'ng tumatagal na, na-a-adjust ko na rin naman na 'yung sarili ko, tapos nakukuha ko na 'yung character ni Jambee, so ayun, happy, super happy ako na nakatrabaho ko sila. I'm very honored and thankful,” sabi niya.

Sabi rin ni Valerie, nanibago rin siya sa karakter na ginawa niya para sa pelikula. “'Di ba parang 'yung mga recent projects ko kasi parang puro kontrabida so dito, very refreshing kasi mabait na Valerie 'yung mapapanood n'yo dito.”

Ipapalabas na ang 'Hello, Love, Again' sa mga sinehan sa November 13, at magkakaroon rin ng mga international screenings.