
Heartwarming ang kuwento ng GMA Afternoon Prime series na Raising Mamay kaya marami ang nagiging emosyonal kapag pinapanood ito.
Ayon sa cast member nitong si Valerie Concepcion, hindi niya malilimutan ang teleserye dahil ito na marahil ang onscreen project niya kung saan marami siyang inilabas na luha.
"Itong teleseryeng 'to 'yung pinakamarami kong iyak,” aniya. "Parang kada eksena na lang umiiyak ako. Minsan gusto kong iba-ibahin 'yung levels ng pag-iyak ko. Meron 'yung silent cry lang, meron 'yung malaking iyak. Pero sabi ko parang nauubusan na 'ko ng ways ng pag-iyak dahil iyak ako nang iyak."
Kung marami nang naiyak sa Raising Mamay, asahan daw na babaha ang luha sa final episode ng soap opera dahil sa mga madamdaming tagpo sa pagitan nila nina Aiai Delas Alas at Shayne Sava.
Pahiwatig ni Val na gumanap na Sylvia sa serye, "So meron do'n 'yung ending na I wasn't supposed to cry kasi nga supposedly parang happy ending ganyan, gusto ko happy lang kasi nga puro iyak na ko before e.
"'Di ko talaga napigilang umiyak. Tumulo talaga 'yung luha ko kasi nakaka-touch talaga 'yung sa ending namin na scene kaya totoong iyak ko na 'yun talaga 'yung talagang na-move ako do'n sa eksena kaya kahit 'di ko sinasadyang maiyak ako or hindi ko goal na umiyak, naiyak ako."
Mapapanood ang final episode ng Raising Mamay sa Biyernes, July 29, 3:25 ng hapon sa GMA.
Mapapanood din ang full episodes ng GMA Afternoon Prime series sa GMANetwork.com o GMA Network app.
BALIKAN ANG MASAYANG SET NG RAISING MAMAY RITO: