
Kabilang ang batikang aktres na si Valerie Concepcion sa stellar cast ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Hating Kapatid, na pagbibidahan ng Legaspi family.
Sa naturang serye, bibigyang-buhay ni Valerie ang role bilang Via.
Sa naganap na media conference ng Hating Kapatid, pinuri ni Valerie ang co-star niyang si Cassy Legaspi dahil sa husay nito sa pag-arte at ikinuwento rin niya ang kanilang magandang bond off-cam.
“Siguro ang masasabi ko lang talaga, she lives up to the Legaspi name. Kasi she's very makulit, ganyan, bubbly. Parehong kaming nakakasundo off-cam ganyan, makulit, chikadora. But kapag nasa set na siya, alam mo na prepared siya kasi alam niya 'yung lines niya.
“Usually [one take], [two take] at the most kami kasi kahit na medyo matagal-tagal na tayo sa industriya, kumukuha ka pa rin siyempre ng hugot sa ka-eksena mo. And I can proudly say na with Cassy, nakakakuha talaga ako ng hugot din kapag siya 'yung ka-eksena ko,” ani ng aktres.
Ikinuwento rin ni Valerie kung ano ang kakaiba at dapat abangan sa kanyang gagampanang role sa serye.
“'Yung last show ko kasi na ginawa, I'm always naman the kontrabida talaga sa mga GMA afternoon show ko and I'm very thankful that I get to play around sa character ko. And this time sa Hating Kapatid, medyo iniba ko lang 'yung atake because this time I am the wife of Cris, which is played by Kuya [Zoren Legaspi].
“'Yung pagka-obsessed ko sa kanya na ayoko siyang mawala, na ultimo 'yung anak namin na si Belle pinagseselosan, parang mas nilagyan ko lang siya ng background or ng lalim, kung bakit siya obsessed na obsessed kay Cris,” kuwento niya.
Huwag palampasin ang world premiere ng Hating Kapatid simula October 13, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.