
Gumaganap muli ang seasoned actress na si Valerie Concepcion bilang isang kontrabida sa GMA Afternoon Prime series na Hating Kapatid.
Sa naturang series, ginagampanan ni Valerie ang karakter ni Via. Sa latest episode ng Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ng aktres ang kanyang experience sa pagiging kontrabida sa Hating Kapatid.
“Kami sa set, sobrang happy, Tito Boy. I am so happy and blessed to be part of this show because, hindi dahil show namin, but I really believe that it's a really good show and sobrang pinaghahandaan ko 'yung pagiging kontrabida ko [rito] kasi I really want to be a part of this show hanggang sa dulo,” kuwento niya.
Nang tinanong si Valerie kung ano ang tatak ng pagiging kontrabida niya sa programa, mas may lalim daw ang kaniyang atake rito.
Aniya, “Medyo mas may lalim 'yung ginagawa ko ngayon, na kailangan talaga at the back of my mind, bakit ko ba ginagawa 'to? Bakit ba ako galit? Bakit ba ako ganito?”
Labis din ang pasasalamat nina Valerie at ng kanyang co-star na si Faye Lorenzo sa mga manonood dahil sa kanilang pagtutok sa kanilang kinabibilangang drama series at anila'y marami pang dapat abangan sa serye.
Subaybayan ang Hating Kapatid tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.
SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGANAP NA HATING KAPATID MEDIA CONFERENCE SA GALLERY NA ITO.