What's Hot

Vaness Del Moral, bakit naging emosyonal sa interview kay G Töngi?

By Dianara Alegre
Published June 18, 2020 12:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

aness Del Moral and G Tongi


Vaness Del Moral: “What hit me was when she said na...”

Hindi napigilan ng Kapuso actress Vaness del Moral na maiyak sa kalagitnaan ng interview niya sa dating aktres na si G Töngi para sa isang episode ng Kapuso online show na Just In.

Matatandaang isa si G sa mga tinitingalang artista noong dekada '90 at ilang beses na rin siyang lumabas sa pelikula.

A post shared by Giselle "G" Töngi (@gtongi) on

Sa gitna ng kanilang usapan ay natanong ni Vaness kung bakit iniwan ng dating aktres ang showbiz na naging dahilan para maiyak ang una.

G Töngi, aminadong nakakaramdam ng pagsisisi na iniwan niya ang showbiz

“What hit me was when she said na it wasn't what she was looking for. It wasn't making her happy. Hindi 'yun 'yung gusto niyang gawin.

“Ako parang tinamaan na, 'Kinaya niya 'yon?'"

Inamin din ni Vaness na pagkatapos ng show ay tuloy pa rin ang kanilang pag-uusap at doon siya umano nakaramdam ng hiya.

“'Bakit ka naiyak?' Sabi niya sa 'kin,” hanggang sa nagkunwari na umano siyang humina ang kanyang internet connection at maibaba ang tawag.

A post shared by Vaness Del Moral (@vaness_delmoral) on

Just In: Vaness Del moral, NAIYAK sa kuwento ni G Töngi!

Samantala, gusto umano ni Vaness ang ginagawa niyang pag-interview sa mga celebrity dahil marami siyang natututunan.

“Kay Igan (Arnold Clavio), marami akong natutunan kasi nga, hindi pa pala ako pinapanganak ay nagtatrabaho na siya sa GMA.

“After nu'ng interview with Igan, sabi namin sa Zoom meeting namin na para kaming nanood ng seminar tungkol sa pagiging broadcaster."

Muling naging emosyonal si Vaness nang matanong ni broadcast journalist Lhar Santiago tungkol sa kanyang mga pinagdaanan sa buhay at kung paano niya nalagpasan ang mga ito.

Umiiyak niyang sabi, “What keeps me tough? Being tough doesn't mean that it doesn't make you cry. So this makes me tough. My weakness makes me tough.”

LOOK: Vaness Del Moral, saludo sa Philippine Air Force sa kanilang efforts sa Taal

Panoorin ang buong 24 Oras report: