Article Inside Page
Showbiz News
Sa 'Adik sa 'Yo,' Vaness del Moral portrays the role of Raquel, ang malanding kikay na kapatid ni Dennis Trillo.
Sa 'Adik sa 'Yo,' Vaness del Moral portrays the role of Raquel, ang malanding kikay na kapatid ni Dennis Trillo—a character na ibang-iba sa totoong personality niya. So ano ang ginagawa ng dalaga para mag-prepare? Alamin! Text by Jason John S. Lim. Photo by Mitch S. Mauricio.
Sino si Racquel?
"Kapatid ako ni Dennis [Trillo] na super kikay at maarte," Vaness del Moral tells us bilang pagpapakilala niya sa character niya. "Ang alam ko dito, palagi kong kakontra si Dennis, kasi nga maarte ako, tapos siya 'yung tahimik na tipo ng tao na hindi siya nagsho-show ng feelings niya—
"Unless lasing siya."
Isa lang si Racquel sa mga colorful characters sa
Adik Sa 'Yo, ang prime time soap opera ng GMA-7 that also doubles as a sitcom. Want a sample?
"Tatlo kaming magkakapatid," kuwento ni Vaness. "Pero iba-iba ang tatay. So iba 'yung tatay ni Kuya Dennis, iba 'yung tatay ko, iba rin 'yung tatay ni Sandy [Talag]. Si Sandy 'yung bunsong kapatid namin na medyo tough." This is a fact na isa sa mga maraming punchlines ng show, dahil hindi maalala ng kanilang ina (portrayed by Ces Quesada) kung kaninong ama ang alin!
Amazona, sirena, at ngayon Batangueña!
Hindi na bago ang mukha ni Vaness sa GMA Telebabad, having played an Amazona in
Zaido: Pulis Pangkalawakan, a mermaid in
Dyesebel and one of the townspeople in
Luna Mystika. "Laging fantasy 'yung mga ginagawa [ko]," Vaness notes. Pero this time around, iiwan muna ni Vaness ang mundo ng fantasy para sa kakaibang laugh story.
"Iba 'yung role [na] 'to sa lahat ng role na ginagawa ko before," Vaness points out, sharing na may pagka-sosyal kasi ang mga roles na ginampanan niya noon, "may pagka-kikay [din], pero mataray ako, suplada, masungit—and everything! Pero ngayon, hindi ako masungit, hindi ako suplada—hindi ako kontrabida.
"Malandi akong kikay, 'yun ang naiba doon."
Being a woman of action, Vaness admits na medyo nahirapan siya with her new role sa simula: "Kasi hindi ako ganoon, eh. Pero sa help naman na binibigay sa akin ng co-actors ko, ng producers gaya nina Miss Helen [Sese], tsaka 'yung director naming si Direk Joel Lamanga, [nagagawa] ko kung ano 'yung gusto nilang ipagawa sa akin."
And this is including the Batangueño accent!
"Ay gayon," Vaness exclaims, giving us a sample. "Nagpapaturo pa ako, kasi may kaibigan akong Batangueño. Tapos kapag binasa ko 'yung script, lalagyan ko [na] ng stress 'yung mga words, 'yung mga linya ko, para alam ko kung paano ko bibitawan na."
Pero mukhang kering-keri na naman ni Vaness ang pagiging Batangueña, eh!
Ano sa tingin niyo?
Adik sa 'Yo airs every weeknight after
Rosalinda, part of GMA Telebabad. But you can also catch Vaness paminsan-minsan sa
SOP tuwing Linggo.
Pero para laging updated sa mga ginagawa ni Vaness, subscribe na sa Fanatxt niya!
Just text VANESS to 4627 sa lahat ng telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)