GMA Logo Vaness Del Moral
Source: vaness_delmoral (Instagram)
What's on TV

Vaness Del Moral sa kaniyang unforgettable 'StarStruck' moment: 'Na-eliminate ako agad'

By Jimboy Napoles
Published July 19, 2023 11:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Napolcom slams injury of 7 cops in Labor Day protests
Authorities probe death of 13 dogs in San Miguel, Iloilo
BINI and Thalia interact at Billboard Women in Music 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Vaness Del Moral


Unforgettable moment ni Vaness Del Moral sa StarStruck season 3 ay ang mismong pagkakatanggal niya agad sa kompetisyon.

Kung mayroon daw hindi malilimutang sandali ang Kapuso actress na si Vaness Del Moral sa kaniyang naging pagsali sa StarStruck Season 3, ito ay ang hindi niya pag-abot sa acting challenges dahil sa agad niyang pagkakatanggal sa nasabing programa.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, masayang binalikan ni Vaness ang kaniyang agad na pagkaka-eliminate sa naturang reality talent search ng GMA.

Kuwento ng aktres sa TV host na si Boy Abunda, “Ako 'yung unang-una na natanggal sa batch namin tapos Christmas day po nila ako tinanggal.”

“Yes, Pasko ako na-eliminate,” natatawang sinabi ng aktres.

Dahil dito, unforgettable moment daw ni Vaness sa StarStruck ay nang hindi na siya nagtuloy sa iba pang challenges.

Aniya, “Unforgettable moment… Siguro sa akin Tito Boy 'yung hindi man lang ako umabot sa mga acting challenges tapos na-eliminate ako agad. Hanggang make-up challenge lang ako umabot.”

Pero ayon kay Vaness, napatunayan naman niya na kahit siya ang unang natangal sa season 3 batch ng StarStruck ay isa naman siya sa nanatili ang career sa show business.

“Pero doon ko rin naman nakita na hindi porket ako po 'yung unang natanggal e, hindi ako nag-flourish sa industry na ito,” proud na sinabi ni Vaness.

Matatandaan na marami na ring mga karakter sa Kapuso series ang ginampanan ni Vaness. Ilan sa mga tumatak dito ay ang pagganap niya bilang si Gurna sa Encantadia remake noong 2016, at bilang si Hillary Suarez sa 2022 suspenserye na Widow's Web.

Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

SILIPIN ANG STUNNING PHOTOS NI VANESS DEL MORAL SA GALLERY NA ITO: