
Ang young Sparkle stars na sina Vanessa Peña at Joaquin Domagoso ang bibida sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.
Bibigyang-buhay nila ang kuwento ng teenage pregnancy at post-partum depression sa episode na pinamagatang "Don't Kill Your Baby."
Si Vanessa ay si Yesha habang si Joaquin naman ay si Dion, magkasintahang high school students. Nang malaman nilang buntis si Yesha, magpaplano sila ni Dion para sa isang abortion.
Mapapangunahan ng takot si Yesha at magdedesisyong ipagpatuloy ang pagbubuntis. Magtatrabaho naman si Dion bilang isang construction worker para may ipangtustos sa kanyang mag-ina.
Madalas mag-away sina Yesha at Dion dala na rin ng mura nilang edad. Pagkapanganak pa ni Yesha, magkakaroon ito ng post-partum depression kaya hindi niya mapigilang saktan ang sarili at maging ang sarili niyang anak.
Magiging ligtas ba ang anak nina Yesha at Dion? Paano nila malalampasan ang pagsubok na ito?
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand-new episode na "Don't Kill Your Baby," June 1, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
May delayed telecast din ito sa Pinoy Hits, 9:45 p.m.