
Dumating na sa Unang Hirit studio ang pinakamasuwerteng babae kagabi, ang singer at performer na si Verna Joy Periwinkle!
Sa kanyang pagbisita sa morning show, kaagad na pinag-usapan ng UH barkada ang kanyang karanasan bilang bahagi ng Geng Gang ng bagong season ng Gandang Gabi Vice.
"Nakakatuwa kasi maraming positive comments. Maraming na-excite. Marami talagang natuwa doon sa pilot episode," aniya.
Pabirong dagdag niya, "Maraming nainggit sa akin."
Isa sa hindi malilimutang moments ni Verna sa programa ang mga nakakakilig niyang sandali kasama ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards. Sino ba naman ang hindi maiinggit nang siya mismo ay sayawan ng Kapuso star?
"Sobrang saya po kasi siyempre harap-harapan tapos nandito na si Alden Richards. Sobrang pogi talaga at ang bango pa. Neat, cute," patawang kuwento niya.
Kung magbibitaw naman ng kasabihan si Verna tungkol sa kanyang experience, ito ay: "Kung para sa'yo, para sa'yo. I think si Alden, para sa akin."
READ: Alden Richards opens up about past heartbreaks: 'Pagmamahal pala sa sarili yung kulang'
Sa kabila ng kanilang biruan, masaya si Verna Joy nang malaman niyang fan pala niya si Alden simula pa noong sumali siya sa “Breaking Muse” ng It's Showtime.
"Before ko ma-meet si Alden, talagang sinabi sa akin ni Meme na 'Hooy, minessage ako ni Alden na sabihan ko raw siya na fan na fan ko raw siya,'" kuwento ng singer.
Maliban kay Alden, looking forward din si Verna sa mga magiging guest sa Gandang Gabi Vice. Isa na rito ang Kapuso royal couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes!
Bago ang Gandang Gabi Vice, kilala si Verna Joy Periwinkle bilang "Breaking Muse" grand winner sa It's Showtime.
Marami ang naaliw at namangha sa kanyang buwis-buhay singing performances tulad ng pagsabit sa kisame bilang chandelier, paglagay sa roleta, at pagkanta sa tuktok ng gusali.
Balikan ang fiestacular finale ng “Escort Mo, Show Mo” at “Breaking Muse” sa It's Showtime rito: