What's Hot

Veteran actor Spanky Manikan dies at 75

By Jansen Ramos
Published January 15, 2018 11:00 AM PHT
Updated January 15, 2018 2:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Pumanaw na ang beteranong aktor dahil sa stage four lung cancer.

Pumanaw na ang beteranong aktor na si Spanky Manikan kahapon, January 14, dahil sa stage four lung cancer.

Kinumpirma ito ng kanyang maybahay at aktres na si Susan Africa via text message sa kanyang manager na si Ed Instrella.

“Spanky peacefully joined his Creator at 11:41 today. Please pray for his eternal peace and happiness,” saad niya.

Nag-post rin si Susan sa kanyang Facebook account upang ipahayag ang kanyang pagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang asawa.

 

 

Agosto ng nakaraang taong nang humingi ng tulong ang aktor na si Nanding Josef para sa pagpapagamot ni Spanky.

Nanding Josef, humihingi ng tulong para kay Spanky Manikan

Nakilala si Spanky sa kanyang pagganap sa mga pelikulang ‘Maynila sa Kuko ng Liwanag,’ ‘Bona,’ ‘Ploning,’ ‘Himala,’ at marami pang iba.

Matatandaang si Spanky ang gumanap bilang Mr. Jang sa GMA series na My Love From The Star ngunit kinailangan niyang mag-pull out sa kalagitnaan nito dahil sa kanyang kalusugan.

'My Love From The Star' replaces veteran actor Spanky Manikan due to health reasons

Nagpa-abot din ng pakikiramay ang ilang artista gaya nina Joel Saracho, Meryll Soriano at Gardo Versoza.

 

 

Rest in peace, Tito Spanx. It was an honour to have you as my contant during our time together at work. I will never ever forget our conversations and your stories. Thank you so much, Tito Spanx. I will truly miss you. Rest ka na. Idol kita, forever. At mahal na mahal kita. ????????

A post shared by Meryll Soriano (@planetumeboshi) on

 

 

 

Ang aktor na si Gil Cuerva na nakasama ni Spanky ay nagpahatid na rin na kanyang pakikiramay.