GMA Logo vhong navarro
What's on TV

Vhong Navarro at Cianne Dominguez, nagpalitan ng OOTD bilang 'fun-ishment' sa 'It's Showtime'

By Aedrianne Acar
Published August 1, 2024 2:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Presyo ng siling labuyo, umakyat na sa P800/kilo; kamatis, P200/kilo | One North Central Luzon
Marcos Jr. answers netizens’ funny Christmas questions
British designer Anya Hindmarch's Universal Bag launches in the Philippines

Article Inside Page


Showbiz News

vhong navarro


Nakatikim din ng 'physical hosting' si Vhong Navaro mula sa 'It's Showtime' co-hosts niyang sina Vice Ganda at Jhong Hilario.

Naghatid ng good vibes ang alay na si Vhong Navarro sa It's Showtime, matapos silang matalo ni Ryan Bang sa bagong segment nilang "Bata Bata Pick" ngayong Huwebes, August 1. ().

Bilang "fun-ishment" kay Vhong, kailangan niyang makipagpalit ng OOTD sa co-host nilang si Cianne Dominguez.

Bago magsimula ang "EXpecially For You," ipinasilip nina Vhong at Cianne ang pag-swap nilang dalawa ng kanilang outift, na naghatid ng matinding tawanan hindi lang sa mga Madlang Kapuso sa studio, kundi pati online.

Maraming ang naaliw sa pagiging game ng It's Showtime host na gawin ang kaniyang punishment at lalo pang natawa ang viewers ng noontime show nang makatikim ng 'physical hosting' mula sa BFF niya na sina Meme Vice at Jhong.