GMA Logo Vhong Navarro at Karylle
Photo by: GMANetwork.com
What's on TV

Vhong Navarro at Karylle, naantig ang puso sa meaningful 'It's Showtime' 16th anniversary

By Kristine Kang
Published December 5, 2025 10:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 5, 2025
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year
Yacht catches fire; damage hits P900,000

Article Inside Page


Showbiz News

Vhong Navarro at Karylle


Tagos sa puso ng bawat manonood ang MagPASKOsikat celebration kasama ang mga nasalanta ng kalamidad sa Cebu at Negros Occidental.

Hindi mapigilan ang emosyon ng madlang people at mga host sa espesyal na 16th anniversary celebration ng It's Showtime nitong Huwebes (December 4).

Naantig ang mga puso sa kwento ng mga “Laro, Laro, Pick” players na nasalanta ng kalamidad sa Cebu at Negros Occidental.

Lalo pang naging emosyonal ang episode nang manalo ng Php 1 milyon ang player na si Disyang. At bilang dagdag na pamasko, nagdesisyon ang It's Showtime family na mag-ambagan ng isa pang Php 1 milyon para sa lahat ng players ng segment.

"Pamasko namin sa inyo. Kung ano man ang abutin no'n kapag hinati-hati, para sa inyo 'yun, Merry Christmas po," ani Vice Ganda.

Sa panayam ng GMANetwork.com, binalikan ng ilang host ang madamdaming segment.

Ayon kay Vhong Navarro, hindi niya mapigilan ang emosyon sa tuwing naaalala ang hirap na pinagdaanan ng players.

"Ito'y mabigat kanina kasi ngayon natin naririnig yung boses nila. Ano 'yung naranasan nila noong panahon na iyon naapektuhan ng bagyo, lindol. Kumbaga sila mismo 'yun," pahayag ni Vhong.

"Ito kasi tusok sa puso kasi 'yung kinukuwento nu'ng isang nanay, meron siyang gustong sabihing mensahe kasi na sana 'wag na maulit 'yung mga ganoong scenario... Walang piniplili ang pag baha, bagyo, lindol. Pero dapat ingatan natin ang kalikasan."

Para naman kay Karylle, ang episode ay nagsilbing paalala rin na mas alagaan ang bansa at ang mamamayan.

"Siguro maraming aral na maipupulot pero kailangan mas maraming bagay mangyari. Pero siguro dahil powered by love, I feel like kahit paano may malalagpasan naman tayo (problema sa kabila ng mga nangyayari). Siguro naman usad tayo kahit konti and we have to that quickly and consistenly kasi palapit ng palapit ang eleksyon," sabi ng host.

Ayon sa kanila, kahit simpleng salita o moment ng players ay tagos sa puso ng lahat. Kaya naman labis ang saya ng It's Showtime family na makita ang mga ngiti at magbigay ng pag-asa.

"Ginawa 'to para makatulong dahil hindi lahat ay kaya natin tulungan, pero hanggat maari makabawas tayo ng mga taong may matutulungan. Ang sarap na makita silang sumaya kahit papano," dagdag ni Vhong.

Ani naman ni Karylle tungkol sa kanilang anniversary celebration, "It's become more meaningful. Some people may think that in noontime show it's all about silly things. Perhaps there have been times that have been that way. But you know, as human beings, ano ba naman 'yun magkaroon ng human character development."

Patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, silipin ang 'DANCE'pasikat celebration ng 'It's Showtime' hosts at iconic dance groups, dito: