
Star-studded ang recently concluded event na GMA Gala 2024 dahil dumalo rito ang Sparkle at Kapuso stars, maging ng ilang non-GMA artists gaya ng hosts ng It's Showtime.
Related gallery: 'It's Showtime' hosts grace the GMA Gala 2024 in their stylish ensembles
Present dito sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ryan Bang, Ogie Alcasid, Darren Espanto, at Cianne Dominguez.
Sa panayam ng GMANetwork.com kina Vhong at Jhong, labis ang kanilang saya nang makadalo sa GMA Gala 2024 at nagpapasalamat sa pagtanggap ng mga Kapuso sa It's Showtime family.
“This is my second time. Sobrang saya kasi from apat kami last year, ngayon mas marami na. Hopefully, next year mas kumpleto na kami,” pagbabahagi niya.
Ayon pa kay Vhong, isa ang GMA Gala sa kanilang inaabangan dahil nakakasama nila ang Kapuso artists.
Dagdag naman ni Jhong, “Napaka-warm ng pagtanggap ng mga Kapuso, maraming maraming salamat. Very thankful and very happy kami sa pagtanggap sa amin.”
Sa red carpet interview naman ng GMA Gala 2024, sinabi Vice Ganda ang labis na pasasalamat sa natatanggap na maraming blessing ng It's Showtime family.
“Everyday, punong puno kami ng pasasalamat, araw-araw na nakaka-ere kami, kailangan ipagpasalamat 'yon. Matapos ang mga naranasan naming panahon na walang kasiguruhan kung makaka-ere pa, saan i-eere, sinong eerehan, may manonood pa ba.
"Araw-araw nakakakuha kami ng sagot sa mga tanong na 'yon. Kaya everyday, we are so grateful. We thank God, we thank everyone na tinutulungan kami at inaalalayan kami sa muling pagbangon namin kaya maraming, maraming salamat,” saad niya.
Dagdag pa ng Unkabogable Star, “Malaking bagay na pinatuloy kami ng GMA.”
Samantala, subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.