
Isang heartwarming performance ang hatid nina It's Showtime hosts Vhong Navarro, Teddy Corpuz, at Jugs Jugueta sa week-long anniversary special ng programa na “Magpasikat 2023” kahapon, November 6.
Nagbigay-pugay sina Vhong, Teddy, at Jugs sa ilang mga namayapang Pinoy comedian sa pamamagitan ng artificial intelligence o AI. Sa tulong ng AI technology, muling nasilayan sa telebisyon ang ilang mga yumaong komedyante ng bansa.
RELATED CONTENT: Silipin ang ilang Kapuso stars na nakisali sa AI 90s Yearbook trend sa gallery na ito:
Matatandaan na pinalitan digitally ang mukha nina Vhong, Teddy, at Jugs ng mga mukha ng mga namayapang komedyante tulad nina Dolphy, Redford White, Babalu, Bert “Tawa” Marcelo, Mely “Miss Tapia” Tagasa, Dencio Padilla, Myrna “Tiya Pusit” Villanueva, Joseph “Blakdyak” Formaran, at iba pa.
Ayon sa grupo, sila ay may permiso mula sa pamilya ng mga late comedian upang gamitin ang larawan ng mga ito para sa kanilang performance.
Ipinaalala rin nina Vhong sa publiko na dapat gamitin ang AI technology sa responsableng paraan.
“Ang paggamit po ng AI dapat ginagamit po 'yan sa tama, hindi po sa panloloko,” aniya.
Panoorin ang buong “Chika Minute” report sa video sa ibaba.
Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m., at tuwing Sabado sa oras na 12 noon, sa GTV.