GMA Logo Vhong Navarro, Karylle, Ryan Bang
What's on TV

Vhong Navarro, Karylle, Ryan Bang, ikinuwento kung paano nabago ng 'It's Showtime' ang kanilang buhay

By Dianne Mariano
Published October 16, 2024 3:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bicam defers DPWH budget talks, proceeds with other agencies
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Vhong Navarro, Karylle, Ryan Bang


Paano kaya nabago ng 'It's Showtime' ang buhay ng hosts na sina Vhong Navarro, Karylle, at Ryan Bang? Alamin dito.

Ngayong Oktubre ay ipagdiriwang ng noontime variety show na It's Showtime ang kanilang 15th anniversary.

Sa naganap na press conference ng naturang programa kamakailan, ikinuwento ng ilang hosts kung paano nabago ng It's Showtime ang kanilang mga buhay.

Related gallery: 'It's Showtime' family, lubos ang pasasalamat sa 15th anniversary ng programa

Ayon kay Vhong Navarro, malaki ang naitulong ng noontime show sa kanyang buhay dahil nakilala siya ng maraming tao.

“Para sa akin, sobrang laki ng tinulong sa akin ng It's Showtime na makilala ng mula bata hanggang matanda,” pagbabahagi niya.

Para kay Karylle, sa tulong na rin ng show ay namulat siya na mas maging masaya sa buhay.

Aniya, “Dito ko talaga natutunan maging maximum happy kasi choice natin 'yan e. Titipirin mo ba 'yung ligaya or itotodo mo 'yan. Talagang malaking pasasalamat ko palagi. Sinasabi ko kay Vice, 'You taught me how to laugh,' 'yung talagang ang panget ng mukha mo kakatawa kasi gano'n 'yung deserve ng puso natin e. As people, that is what we should be feeling and 'wag natin titipirin 'yung feeling na 'yon.”

Dagdag pa niya, “Dito ko unang naramdaman 'yung sinasabi nilang energy. You'll really feel it sa studio na 'to.Siguro 'yun 'yung nabago sa buhay ko ng Showtime. Namulat 'yung mata ko on how to live life better.”

Kuwento naman ni Ryan Bang, malaki ang naitulong ng It's Showtime sa kanyang buhay dahil sa pamilyang nabuo sa programa, mula sa hosts pati ang production staff at crew nito.

“Dito ko na-meet 'yung mommy ko, Nanay Vice, Ate Karylle, Kuya Jhong, tapos Kuya Vhong. Lahat 'yung pamilya ko rito sa It's Showtime. Hindi lang po hosts, pati 'yung staff, crew,” saad niya.

Patuloy niya, “Sobrang mahalaga po sa akin pati 'yung bumubuo ng It's Showtime. Almost 200 people, lahat po sila parang pamilya ko po talaga rito sa Showtime. Kaya sobrang malaki ang nabago sa buhay ko ngayon dahil po sa pamilya ng It's Showtime. Kaya I really love Showtime. Thank you, Lord.”

Samantala, mapapanood ang much-awaited “Magpasikat 2024” simula October 21 hanggang 25 sa It's Showtime.

Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.