GMA Logo Vhong Navarro, Tanya Bautista
Source: vhongx44 (IG)
What's Hot

Vhong Navarro, may dasal para sa asawa sa kanilang 16th anniversary

By Aedrianne Acar
Published September 5, 2024 12:01 PM PHT
Updated September 5, 2024 1:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Vhong Navarro, Tanya Bautista


Ipagdiriwang ng 'It's Showtime' host Vhong Navarro at ng asawa nitong si Tanya Bautista ang kanilang 5th wedding anniversary sa darating na Nobyembre.

Tagos sa puso at puno ng pagmamahal ang anniversary message ng It's Showtime host na si Vhong Navarro para sa kaniyang misis na si Tanya Bautista.

Sa Instagram post ni Vhong kahapon (September 4), sinabi nito na 'may forever' sila ng kaniyang misis.

Sabi ng Kapamilya host, “Mahal, ang aking dalangin ay patuloy kang mahalin. Ang pagsasawa ay hindi darating dahil lagi natin babalikan ang unang pagtatagpo ng ating mga tingin.”

“Happy 16th Anniversary and Happy 5th Wedding Anniversary! I love you, Mahal @t.winona.”

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)


Nag-react sa nakakakilig na post ni Vhong ang co-hosts niya sa It's Showtime na sina Amy Perez at Ogie Alcasid.

Mensahe ni Tiyang Amy sa mag-asawa: “Praying for more happy and healthy years together. Happy anniversary!”

Ikinasal sina Vhong at Tanya sa Kyoto, Japan noong November 2019.

May dalawang anak na lalaki si Vhong, si Fredriek na anak ng aktor sa dating karelasyon at si Isaiah (o Yce Navarro) naman na anak nila ng aktres na si Bianca Lapus.

RELATED CONTENT: SWEETEST MOMENTS OF VHONG NAVARRO AND TANYA BAUTISTA

Souce:

https://www.pep.ph/news/local/179097/vhong-navarro-son-yce-batang-quiapo-a5132-20240222