GMA Logo Vhong Navarro, Michael V
PHOTO COURTESY: Gerlyn Mae Mariano, michaelbitoy (IG)
What's Hot

Vhong Navarro wishes to work with Michael V.

By Dianne Mariano
Published March 22, 2024 2:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mackenyu is coming to Manila for fan meet in August
Mga taga Central ug Eastern Visayas, Nanghawod sa March 2026 L.E.P.T. | Balitang Bisdak
Chelsea Fernandez loses P100,000 in booked car

Article Inside Page


Showbiz News

Vhong Navarro, Michael V


Ayon kay 'It's Showtime' host Vhong Navarro, nais niyang makatrabaho ang Kapuso comedy genius na si Michael V.

Labis ang pasasalamat ng It's Showtime host na si Vhong Navarro sa GMA Network dahil sa mainit na pagtanggap sa kanilang programa sa Kapuso network.

Matatandaan na pumirma ng kasunduan ang GMA Network at ABS-CBN para sa airing ng It's Showtime sa GMA noong March 20.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Vhong, halong emosyon ang kanyang naramdaman sa bagong collaboration ng Kapuso at Kapamilya network.

“Alam mo sobrang excited na ako na mag-April 6 kasi 'yung pagtanggap n'yo sa amin sobrang alam mong napakatotoo, talagang welcome na welcome kami. Kaya naman gusto naming ibalik 'yun nang doble 'yung saya na ipapakita namin sa ating Madlang Kapuso para ibalik 'yung mainit na pagtanggap n'yo sa amin.

“Kaya naghahalo-halo 'yung nararamdaman ko ngayon, saya na hindi makapaniwala na parang nangyayari pala ito. Kaya talagang grateful ako sa ating mga Kapuso,” anang Kapamilya host.

Nang tanungin si Vhong kung sino'ng Kapuso star ang nais niyang makatrabaho sa isang proyekto, ito raw ay ang comedy genius na si Michael V.

Aniya, “Sa mga kuwento ni Kuya Ogie [Alcasid] parang kapag nakasama ko siya, bukod sa tawanan, marami akong matututunan sa kanya. Kasi ang Michael V. ay isa sa mga haligi sa komedya na gusto ko siya makatrabaho.”

Sa interview naman ni Vhong kay Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda, sinabi niyang pinag-uusapan na ang magiging pagpasok ng Kapuso stars sa It's Showtime.

“'Yung papasok po na mga Kapuso stars, parang inaayos na po kung daily po, kung iba-iba or magiging regular po. So, inaayos lang po Tito Boy,” kuwento ni Vhong.

Related gallery: Good news, Madlang Kapuso! 'It's Showtime' is now on GMA