
Sinagot 'yan ni Bossing sa kanyang panayam with Lhar Santiago sa '24 Oras.'
By AEDRIANNE ACAR
Ramdam ng Eat Bulaga veteran Vic Sotto ang pagmamahal ng mga tao na nasa paligid niya lalo na at ilang araw na lang magaganap na ang dream wedding niya sa longtime girlfriend na si Pauleen Luna.
READ: Pauleen Luna hangs out with the Sotto girls
LOOK: Vic Sotto and Pauleen Luna's wedding invitations are now ready
Sa panayam ni GMA showbiz reporter Lhar Santiago kay Bossing Vic sa 24 Oras noong January 15, nakakataba raw ng puso ang suporta ng mga tao sa kanya lalo na kamakailan lang binigyan siya ng kanyang mga kaibigan ng isang bachelor’s party.
Kuwento ng noontime host, “Nakakatuwa, these are the times na makikita mo kung gaano kaimportante sa tao, lalo na sa mga kaibigan mo, all the support and wishes that we’ve been getting, nakakatuwa.”
Excited na rin daw siya malaman kung makakadalo ang 2015 Miss Universe na si Pia Alonzo Wurtzbach sa kasal nila ni Pauleen na matalik na kaibigan ng kanyang kabiyak.
Saad ni Vic, “Kahit naman ako inaabangan ko rin, inaabangan ko. We will be sharing it with everyone hindi ko lang binibigay lahat [ng] mga detalye.”
Ano naman kaya ang sagot niya sa tanong ni Lhar kung plano na ba nila ni Pauleen na magkaroon ng baby right after the wedding?
“Depende if we will be blessed right away. Kung mabibiyayaan, why not.”