What's Hot

Vic Sotto, DongYan at ilang programa ng GMA at GMA News TV, pinarangalan ng Anak TV Awards

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 18, 2020 2:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Muling kinilala ng Anak TV Awards ang ilang personalidad at programa ng GMA at GMA News TV.

By CHERRY SUN

Muling kinilala ng Anak TV Awards ang ilang personalidad at programa ng GMA at GMA News TV.

Pinarangalan ng Makabata Award sina Bossing Vic Sotto, Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na nakatanggap ng parangal ang Kapuso Primetime Royal Couple.

 

 

 

Bilang isang artista isang karangalan ang makatanggap ng ganitong pag kilala para sa aking trabaho, Maraming maraming Salamat sa lahat ng bumubuo ng Anak Tv Awards at nang Gintong Palad Public Service Awards. Happy Thursday everyone ?? #Thankful

A photo posted by Marian Rivera Gracia (@therealmarian) on


Pahayag ni Marian sa 24 Oras, “Ito’y isang magiging magandang ehemplo para sa amin, para maging huwaran kami ng mga kabataan, mabigyan sila ng inspirasyon.”

“Malaking bagay talaga para sa amin ang parating ikino-consider at ilinalagay sa importansya ‘yung kapakanan at kahalagahan ng kabataan especially ‘yung audience natin. That’s why we always make an extra effort to strive to become more responsible as we are already in media,” dagdag ni Dingdong.

 

 

 




Pinarangalan din ng Anak TV seals ang mga Kapuso program na Aha!, Del Monte Kitchenomics, iBilib, Kaps Amazing Stories, Kapuso Mo, Jessica Soho, Kusina Master, Let’s Fiesta, Pepito Manaloto, Picture! Picture!, Pinoy MD, Sarap Diva, Tropang Potchi, Wish Ko Lang, Ang Pinaka, Born To Be Wild, Good News, Idol Sa Kusina, I Juander, at Taste Buddies.

Ayon sa ulat ni Cata Tibayan, ang Anak TV Awards ay ibinibigay sa mga personalidad o programa na sa pananaw ng kabataan ay child-sensitive.