Celebrity Life

Vic Sotto, itinituring na premyo mula sa itaas ang kasal kay Pauleen Luna

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 2, 2020 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Inamin ni Vic sa panayam ng '24 Oras' na magkahalo ang kanyang nararamdaman ngayong habangbuhay na silang magkasama ni Pauleen at magsasalo sa iba’t ibang karanasan bilang mag-asawa.


By CHERRY SUN
 

 

A photo posted by Bossing Vic Sotto (@bossingvicsotto) on

Noong Sabado (January 30) ay nagpalitan na ng “I do” ang dabarkads na sina Vic Sotto at Pauleen Luna. Ani Bossing, itinuturing niyang regalo mula sa itaas ang kanilang pag-iisang dibdib.

Inamin ni Vic sa panayam ng 24 Oras na magkahalo ang kanyang nararamdaman ngayong habangbuhay na silang magkasama ni Pauleen at magsasalo sa iba’t ibang karanasan bilang mag-asawa.

“Excited, and may nerbyos din pero it’s more of excitement. ‘Yung tuwa mo na eto na ‘yun after all these years na magkasama kami, after all the planning, after all the talking, parang bang eto na ‘yung premyo namin for being masunurin sa ating Panginoon,” wika niya.

Ngayong Miyerkules ay lilipad patungong Maldives sina Mr. and Mrs. Sotto para sa kanilang honeymoon. Pagkatapos nito ay balik-trabaho na rin silang dalawa. Gayunpaman, limitado na lamang muna ang gagawin ni Pauleen sa showbiz.

READ: Vic Sotto at Pauleen Luna, tigil 'Eat Bulaga' muna para sa kanilang buhay mag-asawa? 

“Sa Eat Bulaga lang for now, hindi naman magso-soap. Siya muna [aasikasuhin ko],” pahayag ni Pauleen.

Magiging abala rin ang bagong kasal sa kanilang bahay at sa pagsimula ng kanilang sariling pamilya.

READ: “Pagkatapos nito, sisimulan ko na” – Vic Sotto on having a baby with Pauleen Luna