What's Hot

Vic Sotto, Maine Mendoza forever na ang pagiging mag-ama

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 7, 2018 7:12 PM PHT
Updated December 7, 2018 7:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Para kay Vic Sotto, tinuturing na niyang 'anak-anakan' si Maine Mendoza matapos nilang gumawa ng ilang proyekto kung saan sila ay gumanap bilang mag-ama.

Nagsimula sa Eat Bulaga, napunta sa Daddy's Gurl hanggang sa pelikulang Jack Em Popoy ay mag-ama ang gagampanan nina Vic Sotto at Maine Mendoza.

Vic Sotto and Maine Mendoza
Vic Sotto and Maine Mendoza

Dahil dito, maituturing ni Vic na "forever" niya nang anak-anakan si Maine na dadagdag sa listahan ng mga artistang lumaki kasama siya.

IN PHOTOS: Mga anak-anakan ni Vic Sotto sa showbiz

Aniya, “Kasi si Maine, halos lahat ng roles na ginampanan naming dalawa, mag-tatay. As a matter of fact, nagpirmahan na kami ng kontrata eh, parati kaming mag-tatay eh.

“Nakikita ko sa kanya na parang anak na talaga eh,” dagdag ni Vic.

Makakasama rin nina Vic at Maine sa Jack Em Popoy sina Ryzza Mae Dizon, Baby Baste, Jose Manalo, Ryza Cenon, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Tirso Cruz III.

Mapapanuod sa mga sinehan ang Jack Em Popoy simula December 25 ngayong taon at kabilang din ito sa Metro Manila Film Festival.