What's Hot

Vic Sotto, mala-millennial sa pagbabalik bilang Enteng Kabisote

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 10, 2020 1:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DongYan, Barbie Forteza, more Kapuso stars and celebs ring in Christmas
Man nabbed for alleged illegal sale of firecrackers in Zamboanga City
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Sino kaya ang gaganap na Faye?


Isang pasabog daw ang aliw at katatawanang hatid ni Vic Sotto sa pagbabalik ni Enteng Kabisote ngayong Kapaskuhan.

Nagdalawang-isip man noon kung muli siyang sasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Disyembre, nanaig pa rin sa huli ang nakagawian nang paggawa ng pelikula ni Vic. Sa katunayan ay nagsimula na siyang mag-taping noong August 9 para sa Enteng Kabisote 10 and the Abangers.

Sambit ni Bossing sa panayam ng 24 Oras, “Matagal kong pinag-isipan at ito na rin ay para pagbigyan ‘yung request ng maraming tagahanga ni Enteng Kabisote. Ilang taon na rin ‘yung hindi siya nakakasama tuwing Pasko and I think ito ‘yung tamang panahon para sa pagbabalik ni Enteng Kabisote.”

Ipinagmalaki rin ni Vic sa naganap na story conference para sa pelikula na mala-millennial ang ika-sampung Enteng Kabisote.

“As far as the special effects is concerned, iba na rin ‘no. ‘Yung character ni Enteng, makikita nila na nag-iba na rin at ano na, he has to go with the flow. Kumbaga, medyo may pagka-millennial na ang dating ni Enteng Kabisote ngayon,” paliwanag niya.

Ayon sa parehong ulat ng 24 Oras, halos 30 na artista ang magsasama-sama para sa Enteng Kabisote 10 and the Abangers. Kabilang dito ang ilang Kapuso stars tulad nina Bea Binene, Ken Chan at Ryzza Cenon. Kasama rin sa pelikula sina Epy Quizon, Ryzza Mae Dizon, Atak, Kakai Bautista, Alonzo Muhlach, at Rogelia (Sinon Loresca).

Hindi rin siyempre mawawala si Oyo Sotto na may permanenteng role bilang Benok, at ang trio nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

READ: Ken Chan, Bea Binene, and Ryza Cenon, kasama sa upcoming Enteng Kabisote movie

Sino naman kaya ang gaganap bilang asawa ni Enteng na si Faye?

“Surprise. Secret na surprise,” hirit ni Vic.

Ang Enteng Kabisote 10 and the Abangers ay pagtutulungang i-direk nina Marlon Rivera at Tony Reyes.

Video courtesy of GMA News

MORE ON VIC SOTTO:

LOOK: 37 Eat Bulaga throwback photos to celebrate their 37th anniversary

READ: Pauleen Luna, thankful for having Vic Sotto as she mourns the death of a loved one