GMA Logo Vic Sotto at Tali Sotto
What's Hot

Vic Sotto, nagsalita na tungkol sa pamba-bash kay Tali

By Dianara Alegre
Published October 12, 2020 2:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Vic Sotto at Tali Sotto


Kamakailan ay napabalita ang ginawang pamba-bash sa two-year-old na si Tali Sotto at nagsalita na si Vic Sotto tungkol dito.

Nagsalita na si Bossing Vic Sotto tungkol sa pamba-bash na natanggap kamakailan ng bunso niyang anak na si Tali Sotto, gaya ng inalmahang post ng asawa niyang si Pauleen Sotto.

Una nang kinumpronta at pinaalalalahan ni Pauleen ang netizen na nanlait sa anak nila.

Sa panayam ni GMA News pillar Jessica Soho kay Vic para sa bagong episode ng programa nitong Kapuso Mo, Jessica Soho, sinabi ng Eat Bulaga! host na sa kabila ng pambabatikos na natatanggap ni Tali, mas mahalaga pa rin na mas marami itong napapasaya at napapangiti.

“Ang importante naman, higit na nakararami 'yung napapasaya ni Tali. Napapa-smile niya sa araw-araw sa tuwing magpo-post ang kanyang nanay.

“Tapos 'yung mga ilan na hindi natutuwa, hindi ko na lang pinapansin 'yon. Pinagpapasa-Diyos ko na lang 'yon.

“I try to understand these people dahil malay natin baka may pinagdadaanan o may problema lang sa buhay, mainit ang ulo niya at the time. Iniintindi ko na lang 'yon.

“Mas importante, mas nakararami 'yung good comments,” aniya.

Dahil dito, nanawagan din ang actor-host na maging responsable sa paggamit ng social media.

“One of the risks, disadvantage lalo na sa social media ngayon, mayroon din talaga tayong mga kababayan ngayon na iresponsable sa paggamit ng social media.

“Hindi naman natin mako-correct ang mga ugali nila. Bahala na sila. Kanya-kanya namang opinyon 'yan. Nasa demokrasya tayo pero let's be responsible sa ating mga post, sa ating mga comment,” dagdag pa niya.

Panoorin ang espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho: