GMA Logo Vic Sotto
Source: pauleenlunasotto (Instagram)
What's on TV

Vic Sotto, nakatanggap ng pagbati mula sa mga natulungan ng 'Eat Bulaga'

By Jimboy Napoles
Published April 28, 2022 6:04 PM PHT
Updated April 28, 2022 6:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Vic Sotto


Bukod sa 'Eat Bulaga' hosts, nagbigay rin ng mensahe para sa kaarawan ni Vic Sotto ang ilan sa mga natulungan ng programa.

Isang masayang birthday special episode ang inihanda ng Eat Bulaga para sa ika-68 kaarawan ni "Bossing" Vic Sotto ngayong Huwebes (April 28).

Bukod sa pagbati mula sa Eat Bulaga hosts, sorpresang nakatanggap din ng pagbati si Vic mula sa mga natulungan ng noontime show na kanyang nakapanayam noon.

Isa na rito si Geronimo Creer ng Cebu City, na ngayon ay kasal na dahil sa tulong ng programa.

Pagbati ni Geronimo, " Happy, happy birthday bossing wishing you the best of everything, best of health and abundance of God blessings."

Sunod naman na bumati ang isa sa mga guests noon sa segment na "Bawal Judgmental" na si Dr. Otit Mambucon. Si Dr. Otit ay isa sa mga New Normal EBest scholar mula sa Bukidnon. Dahil sa tulong ng Eat Bulaga, natupad ang kanyang pangarap na maging kauna-unahang doktor sa Tigwahanon Manobo Tribe.

Fresh naman mula sa Dubai, nagpahatid din ng pagbati ang dating OFW na si Liza Venturina na natawagan din ni Bossing at ngayon ay nakauwi na sa PIlipinas.

Samantala, may special performances din na inihanda para sa kanya ang bagong dabarkads host na si Maja Salvador at newest Kapuso na si Zephanie Dimaranan na may temang “Rock Baby, Rock” na awitin ng dati niyang banda na The VST Company.

Taos-puso naman ang pasasalamat ni Vic sa dumagsang sorpresa at pagbati para sa kanyang kaarawan.

Samantala, silipin naman ang mga larawan ng masayang relasyon ni Vic at ng kanyang asawa na si Pauleen Luna sa gallery na ito.