GMA Logo vic sotto tali sotto
Celebrity Life

Vic Sotto on witnessing Tali's firsts: "Iba 'yung feeling."

By Dianara Alegre
Published October 13, 2020 3:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

vic sotto tali sotto


Ibinahagi ni Vic Sotto na masaya siyang na-witness ang 'firsts' ng bunsong anak na si Tali, “Very thankful dahil 'yung mga anak ko... dati, most of the time, 'di ko sila nakitang lumaki talaga.”

Ibinahagi ni Eat Bulaga! host Vic Sotto na dahil sa ilang buwang community quarantine ay nagkaroon siya ng oras para maalagaan at maka-bonding ang kanyang pamilya, lalo na ang bunso niyang anak sa asawang si Pauleen Luna, na si Tali Sotto.

Sa panayam ni GMA News pillar Jessica Soho para sa programa niyang Kapuso Mo, Jessica Soho, ikinuwento ni Vic na ngayon lamang niya naranasang ma-witness ang “firsts” ng anak niya, gaya ng first step at first word.

Vic Sotto at Tali Sotto

Source: pauleenlunasotto (IG)

Bukod dito, kakaibang experience rin umano sa kanyang edad na 66 na mayroon siyang two-year-old daughter.

“It's a whole new experience for me. At my young age, nag-aalaga ng baby. It's my first child na halos nakita ko lahat 'yung mga first niya.

“First steps, first songs, first salita. Masarap sa pakiramdam talaga,” aniya.

Dagdag pa ni Bossing, “Much-appreciated and very thankful dahil 'yung mga anak ko… dati, most of the time, 'di ko sila nakitang lumaki talaga. 'Yung mga first. Kadalasan na-miss ko 'yun. Iba 'yung feeling, e.”

Samantala, natanong din ng KMJS host kung sa palagay niya ay kabawasan ng “pogi points" ang pagkukwento tungkol sa kanyang mga anak.

SAgot ni Vic, “I'm very proud of my children. I can talk about Danica, Oyo, mga asawa nila, si Vico, si Paulina and Tali. I can talk about them all day.

“I really wouldn't care if it's bawas points o kung ano man. It doesn't really matter at this point in time of my life. I'm very proud of them.”

Bukod kay Tali, anak din ni Vic sina Danica Sotto at Oyo Sotto kay Dina Bonnevie, Vico Sotto kay Coney Reyes, at Paulina Sotto sa dating aktres na si Angela Luz.

Sotto family

Source: danicapingris (IG)

Panoorin ang espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho: