What's Hot

Vic Sotto, paano ipagdiriwang ang kanyang ika-68 na kaarawan?

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 23, 2022 11:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Vic Sotto


Happy birthday in advance, Bossing!

Sa pamamagitan ng isang simpleng salu-salo kasama ang pamilya balak ipagdiwang ni Bossing Vic Sotto ang kanyang ika-68 na kaarawan sa April 28.

Nang tanungin kung ano ang kanyang birthday wish, umamin si Bossing na wala na siyang hinihiling para sa kanyang sarili.

"Usually, Nelson, ang aking birthday wish, hindi para sa akin, e. Una na d'yan para sa aking mga anak, para sa aking misis, para sa aking mga kapatid, mga kaibigan, at para sa lahat ng dabarkads," ani Vic sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras.

Bukod sa kanyang kaarawan, espesyal din ang susunod na linggo kay Bossing dahil nagbalik na siya sa set ng Daddy's Gurl matapos ang mahigit dalawang taon.

Pagbibiro ni Bossing, "It was okay, medyo nangalay lang ako nang konti. Sabi ko nga, nasanay ako nung camera lang 'yung kausap, hindi 'yung totoong mga cast. Tapos may mga bago kaming kasama na naglalakihan ang mga abs."

Napapanood na rin kasi sa Daddy's Gurl ang Kapuso hunks na sina Yasser Marta, Dave Bornea, at Saviour Ramos.

Pagpapatuloy ni Bossing, "E, parang hinahamon 'yung mga abs ko, e. Ayoko naman patulan dahil nakakahiya naman."

Kahit nagbaba na ang alert level sa Pilipinas, matindi pa rin ang pag-iingat ni Bossing tuwing lalabas siya ng bahay. Kuwento niya, pati ang kanyang four-year-old daughter na si Tali ay alam na hindi siya pwedeng lumapit 'pag galing siyang trabaho.

"Si Tali nga, sanay na kapag galing ako sa labas tapos umuwi ako, automatic na sa kanya 'yun. 'Hey dad, I can't touch you 'cause you came from outside. You take a shower first.'

"So kailangan linis-linis muna, shower-shower. Isang katulak na bilin 'yun, hanggang sa text na mag-ingat."

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto)