GMA Logo Vic Sotto
What's Hot

Vic Sotto pokes fun at son, Pasig City Mayor Vico Sotto over Zoom incident

By Aaron Brennt Eusebio
Published April 28, 2020 5:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Vic Sotto


Panoorin ang pang-aasar ni Vic Sotto sa kanyang anak na si Vico sa special FB live na ginawa ng Eat Bulaga para sa birthday ni Bossing.

Hindi nakaligtas ang mayor ng Pasig City na si Vico Sotto sa pang-aasar ng kanyang ama, ang host ng Eat Bulaga na si Vic Sotto.

Sumama si Vico sa Facebook live na ginawa ng Eat Bulaga hosts sa pamamagitan ng Zoom para ipagdiwang ang kaarawan ni Vic ngayong araw, April 28.

Vico Sotto joins 'Eat Bulaga's Facebook live to celebrate Bossing Vic Sotto's birthday

Matapos magbigay ng mensahe ni Vico sa kanyang ama, niloko ni Vic ang kanyang anak sa muli nitong paggamit ng Zoom.

Kamakailan lang ay kumalat ang video ni Vico habang naka-teleconference kasama ang Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) nang may biglang lumabas na di inaasahang litrato. litrato.

“Thank you, Mayor! Tuloy mo lang 'yung mabuting trabaho mo ha, I'm proud of you,” sagot ni Vic matapos marinig ang mensahe ng kanyang anak.

“Parang kamukha mo 'yung picture d'yan sa likod,” dagdag ni Vic. Pinapatungkulan niya ang kanyang sarili dahil may nakahandang larawan si Vico ng kanyang ama.

“Wala bang nakahubad ngayon? Walang bold?” biro ni Vic na siyang nagpatawa sa mga kasama nila sa video conference na sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

Sagot naman ni Vico, “Sabi nga nung producer niyo, magzo-Zoom daw tayo. Sabi ko, 'Sigurado ba kayong gusto niyo mag-Zoom?'”

“Maraming hacking daw ngayon [kaya] kinakabahan na ako mag-Zoom e.”

Panoorin ang nakakatuwang pang-aasar ni Vic sa kanyang anak:


Vico Sotto, thankful na walang "naka-BOLD" sa latest teleconference meeting niya