GMA Logo nikki co and angel leighton
What's on TV

Nikki Co at Angel Leighton, mas naging disiplinado dahil sa 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis'

By Dianne Mariano
Published May 31, 2023 12:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pasig River Esplanade ready in 10 days — Liza Marcos
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

nikki co and angel leighton


Maraming aral na natutunan sina Nikki Co at Angel Leighton mula sa kanilang naging training sa ilalim ng elite Special Action Force ng PNP para sa 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.' Alamin ang mga 'yan dito.

Kabilang sina Nikki Co at Angel Leighton sa mga Sparkle artist na sumabak sa multi-module training sa ilalim ng elite Special Action Force ng Philippine National Police bilang paghahanda sa kanilang roles sa upcoming action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Ang television adaptation ng hit 90s film na may parehong titulo ay pagbibidahan nina Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.

Sa guest appearance nina Nikki at Angel sa Unang Hirit, tinanong ng host na si Matteo Guidicelli kung ano ang mga natutunan ng Kapuso stars sa kanilang training.

Ayon kay Nikki, natutunan niya ang kahalagahan ng disiplina. Aniya, “More than anything else, feeling ko 'yung discipline kasi pasok siya sa work natin, e. Sa time, sa kung paano mo gagawin 'yung mga eksena mo, and siyempre, discipline to respect everyone's time.”

Marami ring aral na natutunan si Angel mula sa kanilang naging training gaya ng wastong paggamit ng baril at pagiging marespeto sa kapwa.

“'Yung pagiging respectful sa mga tao, sa mga katrabaho natin, and siyempre sa mga pulis. Hindi natin alam kung paano 'yung training nila, sobrang hirap pala talaga. And, of course, 'yung mga salute, kung paano hawakan 'yung baril nang maayos para iwas disgrasya,” pagbabahagi niya.

Bukod kina Nikki at Angel, napanood din si Kate Valdez sa GMA flagship morning show at ibinahagi na first time niyang sumabak sa comedy sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Para kay Kate, mahirap ito kumpara sa mga nagawa niyang drama roles noon.

“Mas mahirap for me kasi I have sharp features, so ang hirap paamuhin. I have to always smile and put some light energy,” kuwento niya.

Mapapanood ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis simula June 4 sa GMA.

SAMANTALA, TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES PHOTOS NG WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS PICTORIAL SA GALLERY NA ITO: