
Isa na namang iconic moment ang naganap sa fun noontime program na It's Showtime!
Noong Miyerkules (July 9), nagtapatan muli ang mga kandidatang may lakas ng loob at paninindigan sa sarili sa segment na "Breaking Muse."
Isa sa mga sumali ay walang iba kundi ang content creator na si Joyang o mas kilala bilang si Banana Queen!
Agad napuno ng kulitan at good vibes ang studio sa pagdating ng social media star. Game na game siya sa bardagulan at banter kasama ang Unkabogable Star na si Vice Ganda.
Kaya naman nang pinapares siya sa isa sa mga ka-barangay niya, todo arte at ganda-gandahan si Joyang.
"Matapos ka masaktan sa pag-ibig, ito ba ang mukhang magpapanumbalik ng tibok ng iyong puso?" ani Vice, habang todo emote ang Banana Queen.
"Ito ba ang uri ng babae na maghihilom ng iyong sugat? Magbibigay sa'yo ng pag-asa, muling magpapangiti, at magbibigay ng inspirasyon na muling lumaban sa buhay?"
Pero ang isa sa pinakapinusuan ng fans ay ang witty love life quote ni Joyang.
"Nagka-boyfriend ka na?" tanong ni Vice.
"Hindi kasi ako karinderya. I'm not open to all," sagot ng kandidata. "Just like nanay ni Terra, as Hot Maria Clara I know my worth."
Labis ang tuwa ni Vice Ganda sa performance ni Banana Queen, na shinare pa niya ito sa kanyang Facebook page.
"Ito ang mukhang magpapanumbalik sa inyo sa pag-ibig!" caption ng host..
Si Joyang, nagkomento pa ng "ang ganda ko talaga" na agad umani ng positive reactions mula sa netizens.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Samantala, balikan ang kanilang kulitan sa 'It's Showtime', dito: