GMA Logo vice ganda at karylle
What's on TV

Vice Ganda at Karylle, nakaranas ng 'alarma' mula sa drag queens

By Dianne Mariano
Published September 13, 2024 5:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump wants nations to pay $1 billion to stay on his peace board, report says
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

vice ganda at karylle


Inalarma ng ilang Pinoy drag queens ang 'It's Showtime' hosts na sina Vice Ganda at Karylle.

Bumisita ang ilang Pinoy drag queens sa It's Showtime kamakailan at lumahok sa segment na “Throwbox.”

Noong Huwebes, September 12, ipinakilala sa mga manonood ang bawat drag artist na sina Captivating KatKat, Lady Morgana, Hana Beshie, Arizona Brandy, Popstar Bench, Khianna, Vinas Deluxe, Zymba Ding, Angel, Corazon, at Shewarma sa naturang segment.

Related gallery: This is how Pinay drag queens look out of drag

Matapos ito ay ipinaranas kina Karylle at Vice Ganda ang pagbuhat at paglipad sa ere tulad ng mga ginagawa ng drag queens. Nagpasalamat si Karylle sa mga drag queen sa kanilang pagpaparanas ng “alarma” sa kanya.

Dagdag ng Unkabogable Star, “'Yan po ang trip nila sa mga drag club ngayon, mangwagwag ng mga bisita. At least, na-experience ko. Thank you naman sa pa-experience ng alarma,” ani ng host-actress.

Sa huling bahagi ng “Throwbox,” na-alarma si Khianna ng kanyang kapwa drag queens matapos manalo ng 125,000 sa naturang segment.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.