GMA Logo Vice Ganda at Vhong Navarro
photo by: It's Showtime, GMA network
What's on TV

Vice Ganda at Vhong Navarro, naputukan ng water balloon sa 'It's Showtime'

By Kristine Kang
Published April 3, 2025 4:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drone strikes on Sudan kindergarten, hospital kill dozens —local official
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda at Vhong Navarro


Naligo sina Vice Ganda at Vhong Navarro sa 'Sine Mo 'To'!

Isa na namang FUNanghalian ang hatid ng noontime program na It's Showtime ngayong Huwebes (Abril 3)!

Punong-puno ng tawanan at bardagulan ang madlang people sa inaabangang segment na "Sine Mo 'To." Mas nag-level up ang kulitan nang ganapin ang first eliminations sa Bahay ni Koya ng istoryang "'Wag Kang Pabebe: The Big Co-Love."

Sa nakakatuwang twist ng kwento, nauwi sa major votes na i-evict ang karakter ni Vice Ganda bilang si Jose Marie. Pero bago tuluyang mapaalis, isang hamon ang kailangang harapin ng Unkabogable Star!

"Gamit ang cutter, salitan ang pabebe players sa paghiwa sa water balloons na merong maraming layers. Kailangan hindi mabutas ang lahat ng lobo. Sino ang makakaputok ng lobo at tuluyang mabubuhusan ng tubig ang talo," paliwanag ni Vhong Navarro.

No'ng una, tila hindi makapaniwala si Vice sa challenge. Sa gigil niyang hindi mabasa, panay ang reklamo at ilang beses pang nagtatangkang tumakas ito.

" Taray kinuha 'yung mic ko baka raw mabasa," reklamo niya sa dancer.

"Beh ako? Okay lang? Taray. 'Pag bakla waterproof? Oo mas mahal ang mic kaysa sa bakla,"dagdag pa niya, na ikinatawa ng madlang people.

Nang magtuos sina Vice at Babydoll Johaira, todo hiyawan ang audience sa intense na labanan. Pareho silang takot sa lobo, kaya napapapikit na lang sa tuwing may ipuputok. Pero nang umabot na sa huling lobo…

Si Vice ang nakatoka na puputok nito!

"Jose Marie, gusto mo ba ng double?" tanong ni Vhong.

"Yes!" sagot ni Vice.

"Kuya pwede 'yung double, gusto ko 'yung taga basa," dagdag pa niya.

Nagulantang si Vhong--dahil siya pala ang "taga basa" ngayong araw!

"Ako nga 'yung nag-suggest ng double,e!" natawa na lang si Vhong.

"Kasi maluwag pa po. Pwede magkatabi ng taga basa?" asar ni Vice, na lalong nagpatawa sa lahat.

Wala nang kawala, humiga na nga si Vhong at sabay nilang hinintay na maputok ang huling water balloon!

Sa isang iglap, bumuhos ang tubig sa dalawang host. Halos malunod sa kakatawa ang audience habang napatunganga na lang si Vice sa kamera.

"Tol! Kailangang ng mouth-to-mouth, nalulunod!" hirit ni Vhong, na lalo pang nagpatawa sa madlang people.

Ang kanilang kulitan ay pinusuan sa social media kung saan maraming online netizens ang nagbuhos ng kanilang positive reactions sa programa.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Balikan ang kanilang kulitan sa video na ito: